Chapter VI

955 19 8
                                    

|SIX| PARTNERS IN CRIME

Czarina Justine's POV

Oh hindee! Bakit kausap nang lalaking yan si Max? Magkakilala sila? Kailan pa? 

Gustong humakbang nang paa ko pabalik kaso lang huli na eh nakita na ko nang Third na to. TT_TT Anong gagawin ko!? Anong sasabihin ko!? Pano ko lulusutan to!? Ano!? Pano!? Ano!? Bwisit na lalaki talaga to kahit kailan ang hilig magbigay nang problema nakaka-windang!

Wala na kong magagawa lumakad na ko papalapit sa kanila. Kay Max lang ako nakatingin habang papalapit sa kanila di ako natingin dun sa bwisit na lalaki na yun. Di ako makangiti kay Max. Pinagpapawisan ako nang malamig parang natatae na nga ata talaga ako.

Pero habang nakatingin ako kay Max yung muhka niya muhkang problemado? OH HINDEEE! Hindi naman siguro sinabi nang Third na to yung tungkol sa nangyari kanina diba? Pero imposible di naman siguro alam nang lalaking 'to na boyfriend ko si Max.

Parang feeling ko ang bigat bigat nang paa ko na hindi ako makalapit sa kanila. 

HAKBANG......... 

HAKBANG ................

HAKBANG..............

HAKBANG...................

SHIT ITO NA TALAGA! LORD KAYO NA ANG BAHALA SAKIN >/\<

Nung nandun na ko sa table namin kay Max pa rin ako nakatingin. Pero ramdam ko na yung mata nung Third na yun sakin. Wag kang tumingin sakin leche ka! 

"Ahhhh..... Bee.... Si ano....." huminga siya nang malalim ba't parang kinakabahan din siya. ".....Si Third" tumingin din siya dun sa Third na yun "... Third si..... Justine..... ano girlfriend ko" Ba't ba ganito si Max? Parang siya yung mas may problema sakin ahh

Kahit labag sa loob ko tumingin ako dun sa Third na yun. Para hindi din mahalata ni Bee na magkakilala kami.

Tinaas ko yung kamay ko para mag-hi "Uhhmmm... H-hi" tapos pinilit kong ngumiti. Please makisama ka kahit ngayon lang. PLEASE! 

"Hey. What's with the formality? Para namang di tayo nagkita kanina." sabi niya tapos ngumisi.

ASDFGHJKLZXCVBNM!!!!

GUSTO KONG PUMASLANG NANG TAONG MAY PANGALANG 'THIRD!'

"Magkakila na....KAYO?" tanong ni Bee na ine-emphasize yung word na 'kayo'. Oh hinde anong idadahilan ko? Mag-isip ka ulit Justine! Paganahin mo ang utak mo! Bwisit kang lalaki ka kung wala lang dito si Max sisiguraduhin kong di ka na masisikatan pa nang araw. 

"Of cour--" di ko na siya pinatapos sa sasabihin niya kasi sumingit na agad ako. Mahirap na baka kung ano pa masabi nito.

"AH! OO! NAKILALA KO SIYA KANINA. MAY TINANONG LANG AKO SA KANYA KANINA ABOUT DITO SA PALAWAN..." tapos hinampas ko nang malakas yung likod niya "......HAHA SALAMAT KANINA AHH!" Tapos nilakihan ko yung mata ko na sinasabing makisama-ka-na lang-kundi-lagot-sakin. 

"Talaga?" sabi ni Bee. Nung tumingin ako kay Bee. Yung muhka niya parang hindi naniniwala sa sinabi ko. Nakuu Third pag-ito lang hindi naniwala sa dahilan ko di ako mag-aatubiling lunudin ka sa dagat. 

"Don't worry Max. It's true" Napatingin ako dito sa katabi ko. WOOOOOOOOHHH Buti naman at may sinabi din maganda 'tong lalaki na to! 

"Ahh........Salamat sa pagtulong sa kanya Third." sabi ni Bee kay Third. 

Pero si Third walang sinabi. Nag-smirk lang siya. Problema nito?

"Ahhh... Pano naman kayo nagka-kilalang dalawa?" Yan ang kanina ko pang gustong itanong. Tumingin lang sakin si Bee parang di niya gustong sagutin yung tanung ko. 

"We're high-school..........Friends?" Si Max ang sumagot. Pero patanong yung 'friend'. Narinig kong sumagot si Third na sobrang kinagulat ko...

"I no longer consider you as a FRIEND Max...." Napatingin ako kay Third. Nakatingin lang siya nang masama kay Max. Ano bang meron sa daalwang 'to? (._. )7 Sigurado ako mag-kaaway ang dalawang 'to pero anong dahilan? GUSTO KONG ALAMIN! Sige na alam kong napaka-chismosa ko . Pero di niyo ko masisi nakaka-curios kaya. >.>

"Hey Third! Let's go!" May babaeng lumapit samin tapos pinulupot niya yung kamay niya sa braso nung Third na yun. Katulad nang kanina parang wala ulit tinatago sa katawan yung babae kahit naka-dress siya. Feeling ko kita yung kaluluwa niya sa suot niya. Jusko nakaka-ilang babae ba siya sa isang araw?

Lumakad na lang sila. Ni hindi nag-paalam si Third kay Max. Pero di man sila nakakalayo biglang humarap ulit si Third. 

"Max I just want you to know. That I'm not the same old THIRD" he said then smirked. 

☺♥☺♥☺♥☺

|SEVEN| IT'S ALL MY FAULT

 A/N: Pero ito talaga eh ano bang meron kay Third at Max?  *hmmm....interesting* Dati kaya silang mag-kaibigan o nag-iibigan? *hhmmm... interesting* HAHAHAHA. Malalaman niyo rin yan!   

VOTES+COMMENTS= MAKES-MY-HEART-MELT :">

Melissa♥

Mr. Casanova's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon