Chapter VII

985 20 4
                                    

|SEVEN| IT'S ALL MY FAULT

Czarina Justine's POV

Tapos na ang Two-Day trip namin ni Bee sa Palawan. Mula nang dumating yung Third boung gabi problemado 'tong si Max parang laging may iniisip. Ayun tuloy di ko na-enjoy yung huling gabi ko sa Palawan >3< Pag-tinatanong ko naman siya kung ano bang problema sa kanila nung Third na yun. Titingin lang siya sakin nang seryoso tapos sasabihin niya...

"It's nothing. Just don't mind him" Don't mind him daw pero siya nga yung namo-mobrelema dyan. Tska kasi kahit ayokong isipin. Bwisit naman talagang pinagtutulakan nang isip ko na 'Justine kulitin mo siya alamin mo kung anong nangyayari. Wag kang titigil hanggang di mo nalalaman' 

At ayun nga talagang hindi ko tinitigilan si Max. Talagng kinulit ko siya ng kinulit. Hindi ko tinitigilan hanggang sa.....

 "Ano ba Justine!! Bat ba ang kulit mo!! Di ba nga sabi ko wala lang yun!!" At ayan ang tumigil sa kakulitan ko. Natahimik ako nung sinabi niya yan. Napatingin lang ako sa sahig nung time na yan. Naiiyak ako kasi ito yung unang beses na nasigawan ako ni Bee. Pero alam ko naman na ako yung may kasalanan kasi nga ang kulit-kulit ko diba. Lintik naman kasi na isip 'to di matahimik. 

Ayan tuloy umuwi kami ni Bee na mag-kaaway. HAHA This is the GREATEST MONTHSARY EVER! <note the sarcasm> 

At hindi pa yun dalawang araw na kong hindi pinapansin ni Bee. Natiis niya kong hindi tawagan, makita at i-text nang dalawang araw! WHAT THE HECK! Miss ko na ang HoneyBEE ko. TT_TT Tinawagan ko siya eh pero di sinasagot pumunta na rin ako sa kanila pero wala rin siya. Nalulungkot na talaga ako alam ko namang may kasalanan ako eh. Pero tama bang gawin sakin to?

To: Bee <3

I'm sorry na Bee. Sorry kung naging makulit ako. Hindi na talaga ako magtatanung about kay Third. Promise. Wag mo namang gawin to oh. 

SENT!

Sana mag-reply siya agad. >/\< Habang hinihintay ko yung reply niya pumunta nako sa banyo para maligo. Dahil Lunes ngayon at may pasok pa ko. Dalawang araw pa namang akong absent. Pagkatapos kong maligo sinuot ko na yung uniform ko. 

Bago ko bumaba tinignan ko muna kung mag-reply sakin si Max. 

Max naman ano ba? Bakit ka ba ganito? Alam ko namang ako yung may kasalanan pero nag-sorry na naman ako ah. Kahit man lang sana mag-sayang ka nang pisong load para replyan ako di mo magawa. Nagtatampo ako sayo Max Kier Torre.

Pinilit ko paring pumasok kahit naiinis ako. Sana makita ko si Bee sa school para maka-usap ko siya. Pag-pasok ko hinanap ko si Max sa Engineering building kahit ang layo nun sa building ko dahil sa Hospitality Department pa ko. Pero pinilit ko pa ring hanapin siya. Kasi gustong-gusto ko talaga siyang maka-usap. 

Pumunta ako sa room niya ngayong umaga. Buti alam ko pati mga room niya. Hindi nako mahihirapang hanapin siya. Sumilip ako sa bintana. Wala pa silang Prof maaga pa rin kasi. Tumingin ako sa boung classroom pero wala talaga siya. Saan na ba yun? Hindi ba siya papasok?    Hindi man lang ako sinabihan. Pano nga magsasabi eh galit nga! Ugh!

Nakita ako nina Jed, Miguel at Steven mga kaibigan sila ni Max. Pinapasok nila ako sa loob. Tutal konti pa lang naman yung tao pumasok nako. Kasi tatanungin ko din sila about kay Max.

"Oh Justine napadaan ka?" tanong sakin ni Steven. Siya yung pinakamatangkad sa kanilang apat. At obviously siya din yung pinaka shunga. Duh!? nandito ako para hanapin si Max tinatanong pa ba yan!

"Tanga ka talaga Steven! Malamang kaya nandito si Justine dahil kay Max!" sabi naman ni Miguel na kasama pang batok kay Steven. Poor Steven shunga-shunga kasi ee. Si Miguel pinaka-maliit pero lover-boy. Isang kindat lang daw niya sa babae mahuhumaling na sa kanya. Nagawa na niya sakin yun ee pero hindi ako nahumaling nasuka ako ee. HAHA.

"A-ahh.. Oo nakita niyo ba siya? Medyo nag-katampuhan kasi kami ee. K-kaya ayun gusto ko talaga siyang makausap eh? Saan ba siya nagpunta?" tanong ko sa kanila. Pero yung tatlo nagkatinginan lang. 

"Nandito siya kanina Justine. Pero umalis agad nagulat nga ako eh. May kausap siya sa telepono tapos umalis na. Hindi naman nasabi kung saan pupunta. Sa inyo Tol nasabi ba?" sabi ni Jed sakin. 

"Hindi nga din eh" sabi naman ni Miguel. tumingin ako kay Steven pero umiling siya. 

Ano ba talagang nangyayari sa'yo Max? 

"Ahh.. Ganun ba. Sige pag-nakita niyo siya sabihin niyo hinahanap ko siya ahh." tumalikod na ko.

"A-ahh...JUSTINE!....'' tumingin ako sa likod tinatawag pala ako ni Jed. "Pakisabi kay Gi. Hi :)" tumango lang ako tapos umalis na. Ang sakit nang dibdib ko sobra. 

Bumalik na lang ako building ko. Naiiyak na ko sobra. Tiniis ko lang to nang dalawang araw eh kasi kala ko naman maayos din agad. Pero bakit ganito? Hindi niya ba talaga ako kayang kausapin? O kung di niya ko kayang tingnan, i-text niya lang ako na lang ako tapos sabihin niya nahinga pa siya. 

"JUSTINE!" Mula sa likod narinig kong tinawag ako ni Yuki at Gianne yan yung mga babaeng laging gumugulo sakin hindi nila ko kayang bigyan nang katahimikan.

Sila yung mga kaibigan ko. Simula pa nung? Di ko maalala basta bigla ko na lang sila nakasama at ayun nagkasundo sundo na nga kaming tatlo.

Humarap silang dalawa sakin. "Justi-- OH.MY.GOD." - Si Yuki ang nag-sabi niyan with a face like this O_O

"Justine ba't ganyan ang muhka mo? Yan ba ang after-effect nang Palawan?" Sabi ni Gianne habang hinahawakan yung dalawang pisngi ko. 

"Ano bang ibig niyong sabihin? Anon bang meron sa muhka ko? O-okay naman ako ah" tanong ko sa kanilang dalawa. Sinungaling! Okay!? Saang parte?

"Nakikita ko sa muhka niya na nagsisinungaling siya. Tama ba Mareng Yuki?" sabi ni Gi. Galing talaga nang mga kaibigan ko daig pa nang dalawang to ang detective ee. Wala akong pwedeng itagong sekreto sa dalawang to.

Tumango naman si Yuki. "Tama. Kita ko sa mga mata niya ang bahid nang kasinungalingan."  'bahid ng kasinungalingan?' Saang parte naman nang Pilipinas niya nakuha yun?  

"Mga baliw! Ayos nga lang ako sabi." tapos nagpilit ako nang ngiti. At sana naman hindi nila halatang peke yun.

"TSK.TSK.TSK. Ito na nga ba ang sinasabi namin!" sabi nilang dalawa. Ano nanaman bang iniisip nang dalwang 'to. Minsan kasi ang utak nila parang nasa ibang planeta kaya minsan mahirap maka-connect. Gaya ngayon. "ASAN SI MAX! ASAN??" tanong nila sakin habang inaalog ang braso ko.

"Ha? Bat niyo ba hinahap si Max?" - Ako

"DAHIL SA PAGLAPASTANGAN NIYA SAYO!" sigaw nila sakin. Oh diba sabi ko naman di nila ako kayang bigyan ng katahimikan. Tsaka ano nga ulit 'Paglapastangan?'

"Hoy kayong dalawa! Ano bang sinasabi niyo?!" - Ako

"Amanin mo Justine magiging mga Ninang na kami noh?" - Gi.

"At ayaw kang panagutan ni Max. Kaya muhkang dinaganan nang ten wheeler truck yang muhka mo." - Yuki. 

"Mare ayos lang yan. Tandaan mo nandito lang kaming mga ninang niyang magiging anak mo. Kahit iwan ka ni Max. Nandito lang kaming dalawa ni Yuki." - Gi.

Nalagay ko yung kamay ko sa muhka ko. Lord thank you po at binigyan niyo ko nang ganitong kaibigan! <note the sarcasm>

☺♥☺♥☺♥☺

|EIGHT| I SO LOVE THIS DAY!

A/N: Hanggang dyan na lang muna. Tsaka na muna yung kasunod. Okie. ^___^ Si Gianne po ay totoo pinsan ko po siya. Haha. Ginelle ayan may eksena ka na ha!

VOTES+COMMENTS= MAKES-MY-HEART-MELT :">

Melissa♥

Mr. Casanova's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon