Chapter XXI

277 8 0
                                    

|TWENTY ONE|Truths

I KNOW...

Siguro dati para sakin si Max na ang pinakaperpektong lalaki. Pero ngayon? Hindi na, sa ginawa niya sakin? Now I can say that Max is a real jerk!

Nasa apartment nga ako nang impaktong Casanovang to! Panu nya kaya ako nakita? Baka naman stalker ko siya? Kase come to think of it of all people na pwedeng makakita sakin eto pang impaktong Casanova na to'! Pero kahit ganun thankful pa rin ako sa kanya. I hate to feel that pero kailangan eh, aba niligtas pa rin ako nang mokong na to!

"Pwedeng bang umalis ka dyan sa harap nang pinto" Nagulat naman ako. Ang lokong Casanova nakadamit na. Buti naman. Delikado siya pagnakaano-- Hayy.

Tumabi ako at siya lumakad papunta dun sa kusina. Sinundan ko siya. Panu ko ba sasabihin to? Argh. 

"A-aano..." Shit. Kung di lang malaki yung utang na loob ko dito. Naku talaga. "Dun sa ginawa mo..." Huminga ko nang malalim. "SALAMAT..." Sinabi ko yun sa pinakamahinang paraan na kaya ko. Pero minakesure ko na maririnig niya. 

"Umalis na pala si Manang Fe...." Sinara niya yung Ref. "Ha? Anu yun may sinasabi ka ba?" ARRRRGGGH! I took all the courage para sabihin yun tapos ngayon sasabihin niya na hindi niya narinig. BWISET!

"WALA!" Kainis talaga.

"Bakit ba ang init nang ulo mo ang aga-aga."  Malamang dahil sa'yo! BWISET!!!

"Nasan na yung bag ko aalis na ko" Yoko nang tumagal dito. Kaaga-aga nagkakasala ako. 

"Hey. You cannot leave yet. Anu yun ganun na lang? Anu namang magiging kapalit nang pagtulong ko sa'yo?" NAKUUUUU! Buti talaga di niya narinig yung pagpapasalamat ko. Aba hindi naman bukal sa loob eh. Tutulong tulong hihingi nang kapalit ayos din tong lalaking to eh. 

"Edi sana hinayaan mo ko dun! Tsaka isa pa papagalitan ako ni Nanay tsaka ni Mama." 

"Wag kang magalala nakausap ko na sila kagabi." Sabi niya habang nagsasalin nang kape sa tasa niya. 

"WHAAAAAT!!!???" T-tama ba yung narinig ko. OHEEMGEE

"Ang ingay mo talaga! They're calling you the whole night di naman pwedeng hindi ko sagutin yun. Sinabi ko sa kanila na kaibigan mo ko at hindi kita maiihatid dahil ang lakas nang ulan." Nakatingin lang ako sa kanya. Tss. May maasahan rin naman ako sa kanya. Kainis! Ayan tuloy lumaki pa yung utang na loob ko sa kanya. 

"Ah... G-ganun ba... Ano... Ah... dun sa  ginawa mo..." Huminga ako nang malalim. "Thank you" Siguro naman narinig na niya yun. Di pa rin kase ako nakatingin sa kanya nung sinabi ko yun. Nung pagtingin ko naman ang loko nakangiti na. Tsss.

"You know that word huh?" Argh. Wag ka nang magsalita. "So do you know how to cook?" 

"Huh?" 

"Magluto. Make me some breakfast. Umalis si Manang Fe. Di ako marunong magluto." 

"Aba ayos ka rin ah. Di mo ko katulong." Tinignan niya ko at ang tingin na yun. Shit. Naku talaga kung di mo lang ako tinulungan. "Osige na. Bwiset." 

Pumunta ako sa ref at nagtingin nang pwedeng iluto. Mga prito lang naman kayang kong iluto at dahil madaming laman ang ref nang mokong kumuha ako nang bacon, hotdog tsaka 5 pirasong itlog.

"So tell me. Anong kagaguhan nanaman ang ginawa ng boyfriend mo?" Napatigin ako sa kanya. Shit. Eto nanaman kumikirot na nanaman yung dibdib ko.

"Hindi mo na kailangang malaman, chismoso. Tss." Sabi ko sa kanya tapos pinapatuloy ko lang yung niluluto ko. Kainis talaga tong Casanova na 'to!

"Max and Coleen have been together for I don't know 1 year? At ang alam ko hindi sila nagbreak. Umalis lang si Coleen, iniwan siya." Napatingin ako sa kanya. Nakakainis! Ayoko! hindi ako iiyak! Hindi sa harap ng lalaking to.

Pero sobrang sakit...

"Bakit mo ba sinasabi mo saken 'to?" Naiiyak na talaga ako...

"Diba dati tinatanong mo kung sino si Coleen? Ngayon sinabi ko sayo kung ano si Coleen sa buhay ni Max" Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang palabasin? Bakit ngayon nya kailangang sabihin 'to?

Hindi ko na kaya...

Naging sila pala...

At iniwan niya ko para sa babaeng yun. Nakakainis...

Napatingin ako sa niluluto ko. Nakayuko, gusto ko ng sumigaw sobrang sama ng loob ko.

Di ko naramdaman pumapatak na yung luha ko. Ayaw tumigil...

"Umalis ka na dyan. Ako na magtutuloy nyan." Nagulat ako nung nasa likod ko na siya. Umalis ako. Hindi aalis na ko.. Ayoko kong nang makarinig ng kahit anong saaabihin ng lalaking to.

Hinanap ko ang bag ko. Nakita ko nakalagay sa sofa sa Sala. Pinusan ko muna yung Mata ko. Nakakainis ayoko nang umiyak. Nakakaumay. Pero ayaw tumigil...

Pumunta ako sa kusina. Kahit inis ako sa lalaking to. Marunong naman ako magpaalam.

"Hoy. Alis na--"

*Dingdong*!!

Nagkatinginan kame. "Bantayan mo muna  to. Tignan ko lang kung sino yun." Kainis naman! Gusto ko ng umalis eh! Wala akong nagawa at sinunod siya.

"Oh. Max! Napadalaw ka?"

Max? Tama ba yung narinig ko? Siguro tinitrip nanaman ako ng lalaking to. Pumunta ako sa may pintuan para malaman kung sino talaga...

"Czarina? Anong ginagawa mo dito?"

Nanlamig yung boing katawan ko...

Max?

Vote.comment.spread the love!

Melissa <3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr. Casanova's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon