Prologue

288 4 0
                                    

College Days

"Hoy Athena kanina ka pa nakadungaw diyan sa bintana!" Puna sa akin ng bestfriend kong si Olivia

"Ano ka ba? Bayaan mo na ako. Alam mo naman kung sino hinhintay ko di ba?"

"Maghintay ka lang ng maghintay dahil hindi ka naman niya nakikita. Hindi naman niya alam na nag-eexist ka pala!"

"Ang sama mo talaga! Akala ko ba bestfriend kita?"

"Oo nga bestfriend nga kita, kaya habang maaga pa lang sinasabihan na kitang libreng mangarap pero imposibleng mangyari ang pangarap mo!"

"Ikaw talaga Olivia ha napaka-Nega mo!"

"Ewan ko sa'yo! Ang ganda ganda mo naman, pero may pagka-tanga ka lang?!"

Hindi ko na lang pinasin ang mga sinasabi ni Olivia dahil nakikita ko na siya. Kilig na kilig ako! Ang gwapo gwapo niya talaga.
"Ayan na siya, dadaan na sila!"

"Oo na, sino ba naman hindi makakakilala sa grupo nila! Lalo na yang crush mo!"

"Kumpleto nanaman ang araw ko!" Kuntento na ako na nasisilayan ang kagwapuhan mo. Sana kahit konting tingin lang.

Titig na titig si Athena sa maamong gwapong mukha niya. Parang nasagot ang dalangin niya ng biglang ang nga matang asul ay biglang napatingin kay Athena. Muntik na siyang mabilaukan ng laway niya. Pero walang pang dalwang segundo ng binawi nito ang mga mata nito sa gawi nila.

"See?! Hinangin lang yung ulo niya kaya nagka 1 second look siya dito!" Sabay ikot ng mata ni Olivia.

——————

Warning: may contain mature themes not suitable for young readers.

Alpha Brotherhood (Dominante Series): My Overprotective Billionaire BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon