Chapter 9

115 4 0
                                    


Athena's POV

Madalas sa paglipad ni Magnus, nasa first class or business class sila. Masaya si Athena dahil komportable and upuan niya sa biyahe nila. Nakasimpleng sneaker shoes lang siya at ganun din si Magnus. Magkatabi lang ang upuan nila ni Magnus. May divider sa pagitan ng upuan nila na nakataas habang nagsimula na umandar ang eroplano para lumipad.

Nagsimula na siyang pumikit at magdasal. Hindi pa rin talaga siya sanay, pakiramdam niya hahalukayin ang tiyan nya. Nasa ganun siya na posisyon ng maramdaman niyang may humawak sa kamay nya. Napamulat siya at ang divider na nakataas kanina ay nakababa na at nakatitig sa kanya ang maamong mukha ni Magnus.

"Hanggang ngayon ba naman hindi ka pa rin ba sanay?"

"K-kasi k-kinakbahan pa rin ako." Kanda utal utal niya na sabi

"Let me hold your hand until we're up in the air."

"S-salamat." Halos bulong na sabi niya dahil sa halong kaba at bilis ng tibok ng puso niya.

Simpleng ngiti lang at pisil sa kamay ang sagot ni Magnus. Nawala man ang kanyang kaba, hindi pa rin mawala ang bilis ng tibok ng puso niya hanggang sa bitawan ni Magnus ang kamay niya ng alison na ng piloto ang seatbelt sign.

Gabi na ng makarating sila sa Las Vegas ni Magnus. Mr. Chu owns one of the five-star hotel in Vegas. Sa top floor ang accomodation nila kung nasaan ang pinakamalaking penthouse style. Dalawang kwarto ang merom sa penthouse, ang isa ay para kay Magnus at ang isa ay sa kanya.

Nakapamtulog siya habang nasa sala ng penthouse. Kitang kita ang The Las Vegas Strip dahil glass window ang nakapalibot sa kwarto. She was in awe of the view when she stood at the veranda while overlooking ang nag-gagandahang ilaw at mga buildings na nakapalibot sa hotels. The lights of the city was mesmerizing lalo na sa gabi. Hindi na siya magtataka kung dito ang mapipili ng company ni Magnus na magtayo dito ng bagong hotel ng kumpanya. Mukhang maraming turista at laging bumibisita. Marangya talaga ang lugar na ito.

Nasa ganun siyang pag iisip ng maramdaman niya ang pamilyar na baritonong boses sa likod nya at ang mabanhong amoy niyo.

"What are you thinking?"

"Naisip ko lang gano kaganda yung lugar sir, para—" naputol ang sasabihin niya nga magsalita si Magnus

"I thought we're clear to call me Magnus at hindi sir?"

"Pwede bang malaman kung bakit?" Lakas-loob na tanong niya habang nasa likod niya ito.

Hinawakan ni magnus ang magkabilang balikat niya at hinarap sa kanya habang titig ang magagandang mata ni Magnus sa kanya.

"I just like the thought of you calling me Magnus. Besides, we've been working together for how many years now. So just call me Magnus."

Nagmamadali nanaman ang puso niya sa pagtibok sa hindi mawaring dahilan. Sa bawat pagtitig sa kanya ni Magnus hindi niya mahanapan ang dapat na isagot.

Tumango na lang siya dito.

"Great. Now go to bed and sleep. We have to be early tomorrow." Pag ganito na ang tone ni Magnus sinusunod niya na lang. Alam niyang business mode nanaman ito. Pero kahit papano natutuwa siya at matatawag niya ito sa pangalan niya.

KINAUMAGAHAN, maaga siyang nagising para ibigay ang project proposal plan kay Magnus kung sakali na gusto niyang ireview ito. Pasalamat siya kay Olivia at pinagdala siya ng summer clothes dahil mainit daw ngayon dito sa Vegas. Nagsuot lang siya ng isang sleeveless yellow sundress at flat white sandals. Mamaya maya pa naman ang meeting kaya meron pa siyang oras umikot.

Kumatok siya sa kabilang silid kung saan occupied ito ni Magnus. Nakakalimang katok siya bago bumukas ang pintuan at iluwa nito si Magnus with only a white towel covering the lower half of his body and his hair was still dripping wet.

Hindi mapigilan ni Athena na titigan ang mga pandesal ni Magnus. She feels like holding those six-pack abs and all the muscles at the right spots but realization hits her when Magnus spoke.

"Athena good morning, you can touch it if you want." Magnus said with his smirk on his face.

"A-anong sabi mo?" Alam niyang pulang pula na siya

"I was just joking. Give me a minute and I will be out."

"Sige, magpapaalam lang sana ako at ibibigay ito." Sabay abot sa folder kay Magnus.

Pilit na ngumiti si Athena dahil alam niyang nagsisimula nanamang uninit ang kanyang mukha. Alam niyang napaka-obvious niyang naglalaway siya sa boss niya.

"Sir, ibibigay ko lang po yung proposal baka gusto niyong reviewhin. Tsaka magpapaalam sana ako kung pwede akong umikot saglit?" Mahinang sabi ni Athena

Saglit na tumitig sa kanya si Magnus bago nagsalita,

"You know Athena, I am well-rehearsed with the proposal. I can accompany you this morning. Just wait for me downstairs?"

"Um sige po." Hindi makapaniwalang sabi ni Athena. Makakatanggi pa ba siya sa napakagwapo at magandang gising ng amo niya. Malilibre pa siya nito dahil for sure ang mamahal ng mga bilihin dito.

"And also, can you stop using 'po' and sir? I am not that old and I told you we are not in the office."

"O-Okay M-Magnus." Nakita niyang sumilay ang isang ngiti sa gwapong mukha ni Magnus

"See? It's not that difficult. Just let me change into something."

"And you look beautiful by the way." Ngiting-ngiti na sabi ni Magnus bago naglakad papasok sng kwarto niya.

Umupo na lang si Athena sa bakanteng sofa habang hinihintay si Magnus. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyayari. Mas sanay siya sa bossy at bugnutin na Magnus. Ganunpaman hindi pa rin nababawasan ang paghanga niya sa binata.

Kung nanaginip ako sana wag na muna akong magising please. Ngunit sa kabilang banda nakakaramdam si Athena ng konting kaba. Lalo akong nahuhulog kay Magnus sa ganitong trato niya sa akin. Nangangamba siyang hindi na makaahon sakaling malunod siya.

——————

Alpha Brotherhood (Dominante Series): My Overprotective Billionaire BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon