Chapter 2

141 3 0
                                    

Athena's POV

Napatingin si Athena sa kanyang relo habang naglalakad siya sa tapat ng guard ng kumpanya ng kanyang pinapasukan. Napangiti siya dahil meron pa siyang kinse minutos bago mag alas sais.

"Good morning po ma'am!" Sabi sa kanya ng guard.

"Good morning po manong Rene!" Bati niya sa guard ng nakangiti.

Inaayos agad ni Athena ang desk niya pagkatapos inasikaso na niya ang planner. Ganun naman siya tuwing papasok sa trabaho, gusto niya fifteen minutes before andun na siya kahit nung intern pa lang siya sa company na ito.

Ang swerte niya kasi nakapasok siya sa kumpanyang ito hindi lang dahil sa mapapalapit siya kay Magnus kundi dahil na din sa reputasyon ng Aragon Holdings Corporation.

After one year of internship, it's either i-aabsorb ka ng company as an employee or they will just have to let you go. Nadinig siguro ang dalangin ko na gusto mag-stay for good dito sa company.

Mas nagulat pa siya ng siya ang mapili bilang secretary ng CEO sa dami ng mga applicants ng mag-retire ang previous secretary. Bakit hindi? Sino ba naman ang ayaw maging secretary ni Magnus Aragon. He is the number one in the list of the most eligible bachelors in the country this year but he is also well known as the Ultimate HeartBreaker among the members of the Dominantes.

'Sana hindi na naman masama ang araw niya. Ang aga-aga trabaho agad ang iniisip niya. No wonder lalong umasenso ang negosyo niya.'

Nasa gitna ng pag-iisip si Athena ng narinig niya may paparating na tao. Napatingin siya sa kanyang relo.

'Okay, 6:00 am. Always on time.'

"Good morning Sir Magnus." Bati niya ng nakangiti

"Good morning."

Pumasok na agad sa opisina si Magnus. Alam na ni Athena ang kasunod at kailangan na niyang magtimpla ng kape kanyang boss.

Habang nagtitimpla siya ng kape ni Magnus, hindi nanaman niya mapigilan mag-isip.

'As usual poker face nanaman siyang bumabati ng good morning. Ano bang bago? Buti nga nag good morning pa siya eh samantalang nung unang buwan ko sa pagiging sekretarya niya eh dinadaanan niya lang ako na parang hangin!'

Kumatok siya ng tatlong beses bago binuksan ang pintuan. Habang busy na nakatingin sa laptop ang kanyang boss, nilagay niya ang tasa ng kape sa kanan na bahagi lamesa ni Magnus. Ni walang lingon, walang thank you. Lumabas na siya ng opisina ni Magnus.

Sa labas lang naman siya ng pintuan nakapwesto. Dun talaga nakapwesto ang secretary ng CEO. Kinuha na niya ang planner at pumasok ulit pabalik sa opisina ng kanyang boss.

Pagbalik niya, parehong posisyon pa rin ang nadatnan niya. Kung nung unang buwan tatayo na lang siya sa harap ng boss niya ng isang oras dahil hindi niya alam kung paano kunin ang atensyon ng boss niya sa takot niyang mabulyawan. Sino bang hindi eh pag nagalit ang isang ito para siyang dragon na bubuga ng apoy. Pero sa pagdaan ng panahon, natuto din siya kung paano maging secretary ni Magnus. Nahirapan man siya ng una eh mabilis naman siyan nakapag adjust.

Ang sarap talaga titigan ng gwapong mukha ng boss niya. Ang haba ng pilikmata at ang tangos ng ilong, ang panga niya na well defined ang lalong nagpapalakas ng dating niya. Hindi niya lubus maisip na sa tagal tagal ng paghanga niya sa taong ito at sa dinami dami ng secretary na pwedeng mapagpilian ay sinwerte siya at siya ang napili.

Tumikhim na lang siya upang kunin ang atensyon ni Magnus bago pa siya mapansin nitong nakatitig sa kaniya.

"Umm Sir Magnus, are you ready to listen for your schedule for today?"

"Go ahead." Sabi ni Magnus na ang mata ay nakatutok pa rin sa laptop nito.

Mas maganda na rin yun dahil baka mautal utal ako pag tumitig siya sa akin sigaw ng utak ni Athena

Pagkatapos niyang idiscuss ang schedule, bumalik na agad siya sa kanyang desk at agad sinimulan ang mga trabaho na iniutos sa kanya. Alam niya naman na mabubusy nanaman siya kaya nga andito siya as early as 6:00am.

Mag a-alas otso na ng gabi ng makauwi si Athena sa kaniyang bahay. Diretso siyang sumalampak sa kanyang kama. Kailangan niyang magpahinga dahil maaga nanaman sila sa ng boss niya bukas at may kailangan silang puntahan na site para i-check ang location nito.

—————————

Goodnight!

Alpha Brotherhood (Dominante Series): My Overprotective Billionaire BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon