CHAPTER 6

9 0 0
                                    

CHAPTER 6

Yeah, I know nakanganga ako ngayon. Sino ba namang hindi? I never imagined na pwede pumasok ang isang anghel sa high school at kayang mag-adapt ng ganun kabilis.

Ang bilis ng pangyayari. In a second, pumasok sa classroom ang supposed-to-be guardian angel ko at naging crush ng mga girls sa classroom at ngayon ay katabi ko pa.

Now, nagkaklase na at WOW. Nakasalamin pa siya at nagtatake down notes na para bang isa rin siyang NORMAL na ESTUDYANTE. I don’t understand any of this.

“Amber. AMBER!”

“Ah. Eh. Wah. Huh?”

“Kumuha daw ng one whole sheet. May quiz daw kayo.” Sabi ni Dia. Tinuro niya yung teacher sa harapan na may pinamimigay na test paper. MAY QUIZ?!

“Kanino ka pa nakatulala simula ng pumasok si Zypher at di ka na nakinig sa lecture.” Paliwanag ni Dia.

“As in kanina pa?!” sabi ko sa isip ko. Nag-nod naman siya. OMG. First time ko itong di nakikinig sa klase at kasalanan ito ng lalaking ito. Tumingin ako sa kanya at talagang nang-aasar siya. Umiling-iling siya na parang disappointed ang loko. Is he mocking me or what?!

Dumating na sa akin ang papel at mabilis na sinagutan ang mga tanong na alam ko. Alam ko naman ang karamihan dun sa tanong kaso di ko matanggap na may ilan na di ko agad nasagutan. At ang mas malala pa mas mabilis na nagpasa si Zypher habang ako ay di marecall ang sagot sa last question.

Pero pinasa ko na rin agad dahil di ko talaga masagutan at pagbalik ko sa upuan ang lokong si Zypher ay ginawa ulit ang iling-iling niya kanina. Nang-aasar ba siya?!

“Okay. Class dismiss.”sabi ni sir at umalis na sa klase. May lalaking tumayo at nag-announce na hindi papasok ang next teacher namin. Good. I’m sleepy. Pinatong ko ang ulo ko sa lamesa at pumikit na.

“Neh, Zypher? Saan ka galing na school?”

“Ah. Di niyo rin alam dahil malayo rin dito.”

“ May girlfriend ka na ba? Kyaaah~”

“Ah. Hahaha. Wala naman. Bakit mo naitanong?”

“Gusto daw niyang mag-apply. HAHAHAH!”

“Sira hindi ah!”

=__=”

ZYPHEEER! Inangat ko ang ulo ko at tumingin sa mga babaeng tilian ng tilian dahil sa katabi ko. Nanahimik naman sila at iniwas ang tingin sa akin. Gah! Tumayo na lang ako at nagwalk out na sa classroom. Wala namang teacher hanggang recess. Inaantok rin ako.

“Amber. Saan ka pupunta?” tanong ni Dia habang lumilipad patungo sa akin.

“Sa rooftop siguro. Tahimik doon. Inaantok ako.”sabi ko at sabay hikab.

“Hay nako. Napakaantukin mo talaga.” =__=” “Siya babalik muna ako sa iyo at magpapahinga rin. Humikab siya at parang bula na nawala. Hanggang ngayon di pa rin ako sanay na bigla-bigla na lang nawawala si Dia.

Umakyat na ako patungo sa rooftop. Inaantok talaga ako at di ako makatulog dahil sa ingay ng mga babaeng yun. Binuksan ko ang doorknob. Actually dapat off-limits to eh. Pero nagulat ako na may nauna na pala sa akin. Nakahiga siya sa sahig at may nakapatong na libro sa dibdib niya. Nakasalamin siya na natatakpan ng mahaba niyang bangs.

Anong ginagawa ng lalaking yan sa teritoryo ko? Whatever. Baka inaantok din gaya ko. It’s not like this is mine anyway. Pabayaan na lang siya. Pero nagulat ako ng biglang siyang gumalaw at bumangon. Inayos niya ang salamin niya at tumingin sa akin na inaantok-antok pa.

He Ordered Me To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon