CHAPTER 9

6 0 0
                                    

CHAPTER 9

Natapos ang lunch. Pumunta na kami sa classroom. Pagpasok namin ni Zypher ay nakatingin sa amin ang lahat ng classmate namin.

“Anong problema guys?”sabi ng lalaking nasa likuran namin. Siya si Cyrus. Ang sinasabing pinakasikat na lalaki sa academy. It’s not like I care anyway.

“Oh! Amber! Nakakunot noo ka na naman.”sabi niya sa akin at hinawakan ang gitna ng kilay ko.

“Leave me alone Cyrus.”sabi ko at umupo na sa upuan ko.Tinigilan na niya ako at ang sumunod niyang kinulit ay si Zypher.

Bumalik ulit sa pagkukwentuhan ang mga kaklase namin. Especially ang mga babae at ang pinuno nila ang isang babaeng mestisa at kulot. Si Yra. May mangyayaring di maganda. Hmp. Di niyo kilala ang kalalabanin niyo.

“Mukhang may mangyayaring di maganda Amber. Mag-ingat ka.”sabi ni Dia na halata sa mukha niya ang pagkabahala.

“Wag kang mag-alala.”sabi ko.

Tumunog na ang bell. Hudyat na tapos na ang klase. Lumapit sa akin ang isang kaklase ko. Sinabi niyang pumunta daw kami sa likuran ng building. Sabi na eh. Ito na ang hinihintay ko. Ilang beses na ba ito nangyari?

“Well, well. Nandito ka na pala, Amber.”sabi ni Yra habang nakapameywang.Nakangiti siya na akala mo’y I’m-the-queen. Tsk.kasama niya ang iba naming kaklase at ibang tao na di ko kilala “As usual. Your face is hard as stone.”

“Anong kailangan mo, Yra?”madiin kong tanong sa kanya. Sana matapos na ito at makauwi na ako.

“May gusto lang kaming itanong sa iyo Amber.”sabi niya. “Kung may---“

“Anong ginagawa niyo dito?”narinig kong sabi ng isang boses. “Yra, Amber?”

“Oww. Bakit nandito ka Ms. Class President?”sabi ni Yra na mukhang naiirita.

Mukhang naintindihan ni Christa ang nangyayare at mabilis na tumakbo papunta sa akin. Hinarap niya si Yra. “Itigil niyo na ito. Akala ko pa naman magbabago na kayo.”sabi ni Christa.

“Umalis ka na dito Christa. Sagabal ka lang sa akin.”sabi ko. Baka masaktan pa siya. Wala siyang kinalaman dito.

“Pero, mali ang gagawin nila.”sabi ni Christa na halata sa mukha niya ang pagkabahala.

“Wag ka ngang pakealamera. Wala ka naman alam eh.”sabi ni Yra at akmang sasampalin si Christa ngunit napigilan ko ito.

“Ano ba ang kailangan mo?”seryoso kong tanong.

“Bitiwan mo muna ako.”sabi ni Yra. Hinawakan niya ang kamay niya. Mukhang nahigpitan ko ata ang pagkahawak ko.

“Wala naman talaga kaming balak makipag-away sa iyo.”mahinahong sabi ni Yra. “Mayroon lang kaming gustong itanong sa iyo. Di ko alam kung bakit naging ganito ang atmospera. Nangialam kasi si Christa eh.”

“Christa aside, ano ba iyon?”

“A-ano kasi. Gusto kong itanong kung anong relasyon mo kay Zypher?” Parang nahihiya niyang tanong. I knew it. Pahamak talaga ang anghel na iyon.

“Huh? Relasyon? Acquaintance.”sabi ko. It’s not like we’re friends anyway.

“Acquaintance lang? After na magkasabay kayong pumasok gamit ang bike at magkasabay pa kayong kumain? Acquaintance lang?”sabi niya na mukhang nagulat.

“Oo bakit. Kaya wala kayong dapat ikaselos. He’s not my Bf.”seryoso kong sabi. Nagsingitian naman ang ibang kasama ni Yra. So tama nga ang hinala ko. Ano bang meron sa lalaking iyon na nagustuhan ng mga babaeng ito?

He Ordered Me To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon