CHAPTER 4

9 1 0
                                    

CHAPTER 4

“Z-zypher?!”

“Aray. Ang sakit.”sabi ni Zypher habang hawak-hawak ang pakpak na napalo ko. “Bakit bigla-bigla ka na lang namamalo?”

“Eh bakit ka ba nandito sa bahay ay naghahalungkat ka pa diyan sa ref. Walang laman yan.”sabi ko at binaba na ang baseball bat. Tsaka iba ang itsura mo kanina no.Paano kita makikilala.Stupid.

“Di ka man lang nagsorry.”sabi niya at sa isang palakpak niya at nawala ang mga pakpak niya. “Nasan si Dia. Bakit di mo siya kasama?”sabi niya at sinara ang ref.

“Si Dia. Di mo ba siya nakikita.Ito---DIA?! Nasan ka Dia?!”

“N-nan-nandito ako Amber. Aray.”sabi ni Dia na nasa sahig. “Tumilapon ako ng bigla kang umatake. Ouch nauntog yung ulo ko.”sabi niya at lumipad patungo sa balikat ko.

“Sorry. Napalakas siguro.”sabi ko at Dia at sabi niya okay lang daw.

Napatingin si Dia sa lamesa at pati na rin ako, “Ano yang mga iyan, Zypher?”tanong niya.

“OO NGA! BAKIT MAY MGA GROCERIES SA LAMESA?! ANO TO MINAGIC MO?!”sigaw ko habang tinuturo yung mga groceries. Apat na supot ang nasa lamesa.WOW. Ngayon lang ulit ako nakakita ng ganitong karaming pagkain sa bahay.

“Wag ka ngang sumigaw.”sabi niya at kinuha ang chopping board at kutsilyo at nilagay ito sa lamesa. “Di ko yan minagic, binili ko yan.”sabi niya at naghiwa ng kamatis.

“Huh?! Binili mo?Ano yun nakakagawa ka rin ng pera?”sabi ko.

“Hindi. Pinagtrabahuan ko ‘to.”sabi niya at hiniwa ang kamatis na katulad ng paghihiwa ni Kusina Master. WOW.

“Wow. Paano mo natutunan ang ganyang paghihiwa?!”sabi ko at tinitigan kung gaano kabilis ang paghiwa niya sa kamatis.

“I just can.”sabi niya at hiniwa naman sumunod ang patatas. “And I know you can’t.”

“HUH?! ANONG I CAN”T?! I can mince those potatoes in a flash!”

“Or rather your fingers.”sabi niya at tumawa at tumawa rin si Dia. “Di ba Dia?”

Di sumagot si Dia at nakitawa na rin. These two. >.<

“Whatever.”sabi ko at nagwalk-out na. “Don’t burn the kitchen.” Naririnig ko pa rin silang nagtatawanan. Sht.

Umakyat na ako sa kwarto at napahiga ako sa kama. So noisy.  They are noisy. Super noisy.  Super duper noisy. Pero bakit……na okay lang sa akin na nandito sila.Dapat nagfefreak-out na ako kasi may ibang nilalang dito sa bahay maliban sa akin. I should not let them enter my house in the first place..

..if I know they will also leave after.

Napatayo ako at hinubad na ang uniform ko. Binuksan ko ang walk in closet ko at namili sa maraming damit na nakasabit. Kumuha ako ng isang blouse at short at sinuot na ang mga ito.

Nagulat ako ng biglang nagring ang cellphone ko na nasa kama. Kinuha ko yun at may nagtext. Si mama.

From: Mama

Yung allowance mo ngayong month ay nasa ATM card mo na. Same amount. Text me kung may kailangan ka pa.

Anyway yung House Keeper ay nagkasakit daw. Kukuhan na lang kita ng bago.

MAMA

Okay.  She will not come home again this month.

Ano pa bang nagbago?, sabi ng subconscious ko.

He Ordered Me To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon