Chapter 2

4 0 0
                                    

Hello highschool! Yahoo!

Demy's POV

After ng ilang minuto nandito na ako sa tapat ng MIA! huhu parang gusto kong halikan yung gate kasi hindi pa rin ako makapaniwalang-- (oo na po Demy, kakapaulit-ulit mo miski ako di rin makapaniwala besh na highschool ka na!)

Ay grabe si ateng author oh? Ano pakiramdam ng inaaway ang fictional character? Parang baliw ano? Kaaway sarili thru sulat ganern? (Demy, paalaala lang nagtitipa ako dito hindi ako sumusulat)

Whataves ateng hahaha anyways, habang nagmumuni-muni ako may nakabangga sa akin kaya nahalikan ko nga talaga yung gate as in subsob yung mukha ko sa part ng nakasara na gate! Kasalanan mo to ateng author!
*kru kru kru* *tweet tweet*

What? hindi mo na ako kinakausap ganun ba? Pagkatapos mong guluhin ang pagmumuni-muni ko at ipabangga ako sa isang fictional na character mo?

"Uhm miss, okay ka lang ba dyan? Pasensya na kung nabangga kita ha kasi ang dami kong dala na libro so di ko nakitang may tao pala sa harap ko. Ito nga o nagkalat na yung mga libro" sabi ni koyang bumangga sa akin

"Mga tao talaga ngayon ang daming--" Di ko na natuloy ang reklamo kasi pag harap ko sa likod ko, walangya ka author, sya ba yung leading man ko dito? Ang gwapo nya! Kamukha nya si Jungkook!!!!

"Miss, ano na? Okay ka lang ba talaga? Bakit parang namumula ka? Tumama ba yung mukha mo sa gate? Kailangan mo bang madala sa clinic?" sabi ulit ni koyang jungkook

Bakit ganun? Bakit parang init ng pisngi ko? Nagbablush ba ako? Grabe ang gentleman pala nya dadalhin pa ako sa clinic! 😣

"Nagulat ka ba talaga kaya di ka makapagsalita? Sorry talaga ha? Ako nga pala si Anthony Edward Mary pero Tony na lang ha para hindi mahaba. Student rin ako dito sa MIA." sabi ni koyang jungkook

"Ah, nice to meet you jung-- este Tony! Ako nga pala si Demy! Ayan demy na lang itawag mo kasi ang haba rin ng name ko eh." wika ko

"Ano bang name mo? Ang cool Demy-Tony haha two syllables parehas!" sabi nya

"Demetria Michelle Gomez full name ko. Haha ang galing nga e. Nice nickname lakas makaIron Man! Actually pati yung full name mo except sa Mary, pambabae sya." sabi ko

Tumawa sya ng mahina pero kitang kita yung ngipin nyang ang puputi 😍 grabe naman yan kagwapo mo po koyang jungkook este Tony. Bawas-bawasan mo naman yang pagpapacute mo. Nung umulan ata ng kagwapuhan ambon pa lang nasalo na nito eh.

"Last name ko yung Mary" habol hininga nyang sabi "My family owns this school kaya Mary International Academy". dugtong nya

"What? Akala ko pinangalan kay mama mary tong school kaya bata pa lang ako gusto ko na dito e. Akala ko nga all girl school ito. Sa tagal ko rito wala pa akong nakitang Male Student. Ikaw pa lang" sabi ko

"Hahaha nakakatawa ka talaga. Actually, all girls school ito last year. Pero since first year high school na ko kaysa sa ibang school ako mag-aral, ginawa na lang na for all ang school na ito" taas noo nyang sabi

"Ay iba si koya! Iba talaga pag ritskid!" sabi ko

"Hahaha kakabagin na ko dito! Tara na at pumasok baka maLate pa tayo sa flag ceremony" sabi nya

❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤

hi readers, bitin ba? hehe next chapter babawi ako!!! anyways, trivia muna tayo. Alam nyo bang fan si Jungkook ng Iron Man kaya naman pinangalanan ko yung male character na Anthony Edward para naman lakas makaTony Stark. Haha saka si Jungkook naman ang leading man ni IU which is Demy kaya keri na. Medyo lodi ko kasi si demi lovato ng mga panahong sinulat ko to mga besh kaya cheren naging Demy si IU hahaha
nga pala, dont forget to comment and vote! thanks! :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 21, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loyalty AwardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon