Simula
June 6, 2007
Hindi ako makapaniwala! Isa na akong 1st year Highschool ?
Sabi kasi sa akin nung adviser ko bago maggraduation malabo raw na makapaghighschool ako. Kasi bukod raw sa lagi akong laman ng teachers' office at guidance ay puro palakol raw ang report card ko, kababae ko pa naman raw na tao. Ngek? Kasalanan ko bang mababa ang grades ko? Favorite kasi akong pagalitan ng mga teachers eh. Hindi ko rin naman sila masisisi, bukod sa pasaway akong nilalang at laging LATE sa klase kahit ilang dipa lang ang layo ng school sa bahay namin, nasa vocabulary ko na ang salitang AWAY as in war. In short, isa akong patapon na bata.
Well, nagkamali sila ng hula na hindi na ako makakapaghighschool. Nakatungtong pa rin naman ako ng highschool and guest what?? Dito pa rin ako sa MIA as in Mary International Academy mag-aaral! Hahaha lakas makaAirport (overjoyed? xD)
Laking tuwa ko lang at iba na ang principal ng school namin :D. Kahit pala pasaway ako Love pa rin ako ni God ?
"Demy! Anak, bangon na malelate ka nyan ng ginagawa mo eh!" ayan na naman ang alarmclock! Bengga! Kanina pa ako gising noh? Halos wala nga akong tulog eh. Kakaisip xD hindi ko kasi talaga ineexpect na makakatungtong ako ng highschool (paulit-ulit? Unli? Hehe pasensya ?)
"Opo, tatayo na!!!" tumayo na ako sa kama ko at pumunta sa CR para maligo.
Pagkatapos ay bumaba na ako ng hagdan at ayun nagsisisigaw pa rin siya!
"Ilang beses na akong sumisigaw kanina! Bat ba kasi hindi ka magising agad?! Nagpuyat ka na naman ba? Sinabi ng itigil mo na yang pagpupuyat na yan eh! Gusto mo talaga sa ospital tumira eh noh?! Alam mo naman na--"
"Na hindi mabuti sa akin ang magpuyat?! Opo alam ko yun. Naexcite lng ako ngayon kaya hindi ako nakatulog ng maayos" sabay ngiti kay mama, ayaw ko kasi masira ang araw ko ngayon eh. Para sa akin isa tong tagumpay!! Waah? Anu raw? Echoz lang ?
"Oh sige na, kumain ka na nga dyan. Damihan mo ang kain para hindi ka gutumin agad-agad" sabay ngiti niya sa akin
"Opo" yun na lang ang sinabi ko at mahirap na baka saan pa mapadpad usapan namin
Maya maya
"Ma, alis na ako" sabay takbo papuntang pintuan
"Oy anak, yung kiss ko?" nakasimangot niyang sabi
"Ma naman eh" naiirita ko namang sagot
"Sige na, ikaw ha? Ayaw mo na akong halikan? Parang dati lang ako yung nagpapalit ng diaper mo tapos ako yung--"
"Ma!? Ano na naman yang drama na yan sige na nga" lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi niya
"Anak, mag-ingat ka ha? Wag mong hayaang awayin ka nila at hwag mo na silang pansinin pag binubully ka nila" sinabi niya yun ng parang natatawang ewan
"Opo opo sige na ma. Alis na ako" yun na lang ang nasabi ko. Ang weird eh noh? Wag ko raw pansinin ang mga mokong pag binubully ako?! Ako bubulihin? Eh baka ako pa nga ang mangbuli eh hehe
❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤
hi sa mga nagbasa! vote nyo naman to if ever! ang cute nung girl ano? nakita ko lang yan somewhere sa google haha joki joki its IU ❤
thanks sa inyo readers sana ivote nyo tong story ko! salamat ulit enjoy reading!
BINABASA MO ANG
Loyalty Award
Teen FictionPara sayo ano ba ang salitang Loyal? Paano ba napapakita ang pagiging tapat at paano ba ito nasusuklian? Meet Demetria Michelle Gomez o Demy, isang bad girl na mukhang sinuswerte dahil umaayon sa kanya ang tadhana. And meet Anthony Edward Mary o Ton...