WARNING: MAY MGA BADWORDS OKAY? So sa mga bata diyan alam na.. PG-13 itey. CORNY ALERT
Jade's POV
Ganito pala ang pakiramdam sa lupa, kada hakbang ko parang naririnig ko yung boses ng mga kapatid kong sirenang kumakanta ng "Allelujah~" with matching bubbles effect. Nilibot ko yung paningin ko halos lumuwa yung mata ko nung nakakita ako ng mumunting bahay at mga bangka na makikita sa tabing dagat. Bumaba ako sa batong kinauupuan ko at pinagmasdan ang mga nagtataasang puno, sari-saring bulaklak sa bakuran, at makukulay na tela sa sampayan. Tumayo ako sa harapan ng mga bahay sabay sabing,
"MGA TAGA LUPA~ MAGBIGAY PUGAY SA PRINSESA~ WHAHAHA!"
"HOOOY INENG! ANG AGA AGA, NAMBUBULABOG KA NA?! PATI MANOK NAMIN GINISING MO?! ABA, TUMAHIMIK KA. MAMAYA PA MAGLALAYAG MGA MANGINGISDA DITO. PUYAT PA MGA TAO!"
"Ay, Sorry puuu~"
Pagewang gewang pa ang lakad ko dahil first time ko palang maka-tayo, feeling ko nakakalas ang aking mga feet. Balak pa atang mag split!
Napangiti ako nung nagagalaw ko na yung daliri ko sa paa, sign na ba ituu na makakapag cutics na akuu~ Kasi naman mga taga-lups, kung iisipin ko yung nangyari noon kulang nalang makalbo ako kung aalalahanin ko lahat ng mga paghihirap na dinanas ko, talaga namang makakahinga na ako ng maluwag sa wakas. Kung tatanungin niyo ako kung bakit nga ba ako narito sa mundo ng mga tao? Isa lang ang maisasagot ko sainyo, yun ay ang masuklian lahat ng paghihirap ko sa ilalim ng dagat. Ilang taon rin akong nakakulong sa palasyo at maniwala kayo kapag sinabi kong ilang taon dahil totoo 'yun, as in 150 years! Pagkakataon ko na para maging masaya, at para maging masaya ako.. syempre may mga bagay akong kailangang gawin para magpasaya saakin. Ito ang Jade's mission possible! Huahuahua!
Hindi ko pa alam kung saan ako pupunta at wala akong kakilala o kasama man lang, talaga namang gusto nila akong pahirapan para bumalik ako kagad! Pero hindi, may mission possible pa ako, oo possible!
Habang naglalakad ako nakita kong natulala yung mga taga-lupa saakin. Naalala ko tuloy 'yung sinabi ng lola ko.
'Kaya bawal pumunta sa lupa ang mga sirena dahil magkakagulo ang mga kalalakihan.'
'Kaya bawal pumunta sa lupa ang mga sirena dahil magkakagulo ang mga kalalakihan.'
'Kaya bawal pumunta sa lupa ang mga sirena dahil magkakagulo ang mga kalalakihan.'
Habang naglalakad ako papasok ng bayan, nakita ko yung mga namimilog na mata ng mga taga-lupa napakamot nalang ako sa ulo ko parang may iba sa kanila hindi ko mawari kung ano eh. Magbibigay pugay na ba sila sakin?
kasi kulang nalang sambahin nila ako kaya naman medyo nakaramdam ako ng kilig, Nakakahiya pala pag pinagtitinginan ka lalo na pag nagsisilaglagan yung mga panga ng mga lalaking taga-lupa.
kailangan hindi nila malaman na sirena ako. Dapat maging friendly ako, kaso hindi ko alam kung paano. Pwede na ba itong pag-ngiti at pagkaway?
Natigil ako sa pagkakaway nung narinig ko yung bulong ng bata sa matandang babae, "Mama, bakit wala po siyang damit?"
halos malaglag ang eyeballs ko sa mata at atakihin sa puso nung naalala kong wala pa nga pala akong saplot sa katawan! Nakakainis naman 'yung bestfriend ko! Hindi niya naturo sakin 'yung first step na pag naging tao, magsuot agad ng damit! Pag nakita ko 'yun gagawin ko siyang pusit! Kaya pala parang may kakaiba at ginaw na ginaw ako! May damit sila ako wala!
"OY! MAY BABAENG HUBAD! HULIHIN YAN!" Sigaw ng lalaking nakasuot ng asul na damit habang may hinihipan na bagay. Hindi ba pwedeng bigyan muna ako ng damit? O JACKET? {lol} kailangan hulihin agad?! Ahh- Jade! Tumakbo ka na kaya? Nakabalandra na yung katawan mo oh, pa-tulala effect ka pa diyan?
BINABASA MO ANG
Under The Moonlight { EXO }
FantasyA world where tails and fins matters. Hmm, Can you smell something FISHY? ©EXOticMermaid Cover by: @ChennieBerries ALL RIGHTS RESERVED