Ako nga pala si Sophie Villalobos, 3rd year highschool student sa PCS. Meron akong bestfriend, si Beatrice Santos, classmates kami since 1st year kaya sobrang close kami sa isa’t isa.
Isang araw:
Si Bea text ng text. Ako naman bilang bestfriend niya na-curious. Sa pagkakaalam ko kasi na wala siyang boyfriend eh. Madaming nanliligaw pero may crush siya.
“Sino ba yang katext mo ha? Nako, ikaw ha? Hindi ka na nagsshare saakin. Akala ko ba ayaw mo muna magboyfriend? Takang taka kong tanong sakanya.
“Uy hindi ah! Wala akong boyfriend. Yung mga nanliligaw ko kasi text ng text eh. Ang kukulit. Atsaka wala akong balak magboyfriend noh” sabi naman niya
“At kung may boyfriend naman ako sasabihin ko naman sayo agad. Hindi naman ako makakatakas eh palagi kitang kasama eh.” Patuloy niya
“Teka, Sophie.. Samahan mo naman ako?”
“Samahan saan?? Bakit nakikimeet-up nanaman yung manliligaw mo?” Sabi ko sakanya
“Sige na? Please? Samahan mo na ako. Mamayang uwian naman eh. Please? Please?
At dahil hindi ko na siya napigilan. Napakakulit kasi nito ni Bea eh, pumayag na din ako na samahan siya.
Habang nasa jeep kami papunta sa isang mall katext niya yung manliligaw niya para sabihin kung saan sila magkikita para mabilis.
“Sino at saan nagaaral yang manliligaw mo ha? Wag mong sabihin tayo ang pupunta sakanya ah. Dapat siya ang pupunta satin ha? Tsaka dapat mabilis lang tayo. Hindi alam nila mama na gumala nanaman ako na kasama ka. Nako. Sana wala sila Mama sa bahay” nagtataka at natatakot na sabi ko sakanya.
“Siya si Troy Villanueva nagaaral sa San Sebastian. 3rd year din.”
Pagkadating naming dun ay nagkita na sila agad at nagusap. Habang ako nakaearphones, nagsoundtrip. Ewan ko ba kung bakit pa ako sumama eh wala naman akong gagawin dito eh. Tinignan ko nalang yung picture ng crush ko sa gallery ng phone ko.
Nung napansin ko na nakikipagshake hands si Troy hindi ko siya pinansin at tumalikod nalang ako. Matangkad si Troy, yung tipong hanggang balikat niya lang kami ni Bea, medyo chubby, may kagwapuhan.
Pagkatapos nun ay umuwi na kami ni Bea kasi kinukulit ko siya na gumagabi na at baka maunahan pa ako nila Mama dumating
*TING*
FROM: +63925********
Ako nga pala si Troy, yung nanliligaw sa bestfriend mo.
TO: Troy
Paano mo nalaman yung number ko?
FROM:Troy
Hiningi ko kay Bea. Wala kasi akong makatext eh
TO: Troy
Walang makatext? Nililigawan mo bestfriend ko tapos walang makatext? Ayos ah.
FROM: Troy
Hiningi ko number mo kasi magpapatulong ako sa panliligaw ko sakanya? At dahil bestfriend mo siya, alam mo kung ano ang magpapasaya sakanya
TO: Troy
Anong tulong ba gusto mo at para matapos na tayo dito. Pero bago kita tulungan. Ipangako mo saakin na hindi mo lolokohin at sasaktan ang bestfriend ko ha?
Oo, ganyan ako ka-protective sa bestfriend ko kapag may nanliligaw sakanya. Eh kasi naman kapag na-heartbroken yang si Bea napaka-drama. Hahaha.
Habang tumatagal nagiging close naman sila ni Bea, pero etong si Bea hindi seryoso. Sino ba naman kasi hindi magseseryoso kung may crush kang mini heartthrob ng school niyo.
Sino ba naman kasi hindi magkakacrush dun. Matalino, Chinito, Maputi, Maka-Diyos. Oh saan ka pa?
Sa araw- araw na limulipas sa paguwi siya lang inaabangan kong lumabas ng gate. May time pa nga na sinundan ko pa sila ng barkada niya kung saan sila pupunta eh. Napaka-stalker ko talaga kahit kalian.
“Alam ko number ni Jake. Gusto mo makuha number niya?” sabi saakin bigla ni Bea
“Sinong Jake?”
“Yung crush natin. Jake Santibanez pangalan niya. 4th year nga lang section 1”
Oo, parehas kami ng crush ni Bea. Pero okay lang saamin yun. Atleast nagkakasundo kami. Hindi naman kami nagaaway eh. Basta ako okay na ako na malaman yung pangalan niya at section
At syempre hindi ko knuha yung number niya, tapos ako unang magtetext? NO WAY. Hahaha.
Pauwi palang ako ng
*TING*
FROM: +63927*******
Hi! Kamusta ka? J
TO: +63927*******
Uhmm. Sino ka? J
FROM: +63927*******
Ako nga pala si Jake J
“OMGEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE! SI JAKE! SI JAKE NAGTEXT SAAKIN! PAANO NIYA NAKUHA NUMBER KO?? SERYOSO BA TO?? BAKA NANANAGINIP LANG AKO???” sabi ko sa sarili ko habang nagtititili sa kwarto ko.
TO: Jake <3
Uhmm. Seryosong ikaw si Jake? Jake Santibanez? J
FROM: Jake <3
Oo, ako nga. Bakit? J
TO: Jake <3
Uhmm. Wala lang po. Naninigurado lang J
“ OMOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO! SIYA NGA! SHEEEEEET! INAADD NA DIN NIYA AKO SA FACEBOOK! OMOOOOOOOOOO!”
Ang ingay-ingay ko talaga. Lagot ako nito kila Mama eh. Tinawagan ko din si Bea.
“Beaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa! Tinext ako ni Jakeeeeeeeeeeeeeeee! Sheeeeeeet! Kinikilig akooooooooooooooo!” bungad ko nung tinawagan ko si Bea
“Edi ikaw naa! Okay lang ako! May bago na akong crush” sagot naman ni Bea
“Malapit na nga pala yung JS. WOHOOOOO! Practice na niyan” sunod kong bungad sakanya.
“Pero paano kaya nalaman ni Jake yung number ko?” tanong ko kay Bea
“Binigay ko sakanya. Nakachat ko kasi siya sa fb eh”
“Bakit mo naman binigay sakanya yung number ko?”
“Asus! Pakipot ka pa alam ko naman na gusto mo din eh. Atsaka nakasabay ko kasi siya sa may 7-eleven eh”
“Salamat Beaaaaaaaa. Thank youuuuuu!”
Gabing-gabi na hindi parin ako makatulog sa sobrang kilig. Eh kasi naman si Bea pala may pakana nitong lahat eh. Sobrang kinikilig pa din ako. Eh ikaw ba naman itext ni Jake. Haaaaay. Wattaday. Complete na araw ko.
BINABASA MO ANG
Paalam
Teen FictionA true to life story. Pipigilan mo ba siya o hahayaan mo nalang siyang maging masaya?