SOPHIE’S POV
Patapos na ang summer. Magpapasukan na ulit L 4th year na ako. Hahaha. Konting tiis nalang. Ilang araw nalang kami ditto. Haaay. Makikita ko pa kaya si baby?
Sobrang daming memories.
Kalian kaya kami magkikita ni baby?
*TING*
FROM: Jason
Baby, pwede ka ba mamayang hapon o gabi? Kita tayo. Miss na kita eh.
TO: Jason
Hindi ko sure baby, try ko. Baka magpaload ako eh.
FROM: Jason
Osige. Samahan kitang magpaload. Wag kang magsshrt ng maikli ha?
TO: Jason
Opo baby. Text kita kapag pupunta na ako.
Nagkita na kami. Eto nanaman ako. Kinikilig nanaman ng todo. Eh kung heartthrob ba naman dito ang maging boyfriend mo eh..
“Lakad-lakad tayo ulit mamaya baby”
“Osige baby”
Umuulan nanaman nung hapon na yun. Mas mahina kaysa nung nakaraan. Pero syempre umuulan pa rin.
Habang naglalakad kami hinawakan niya yung mga kamay ko, edi nabitawan niya yung payong at parehas na kaming nababasa ng ulan..
Bigla niya akong tinitigan sa mata
Hinalikan niya ako sa Noo, sa ilong at ang huli sa mga labi ko.
Yung halik na nagsasabi na mahal niya talaga ako.
Na ako lang yung mahal niya..
Tumambay kami sandal sa may labas ng bahay kasi basa kami parehas.
At umalis na din siya dahil paggabi na.
Kinabukasan.
Naisipan kong maglakad-lakad lang na ako mag-isa.
Nang may marinig akong naguusap..
Girl 1: “Hindi ba yun yung girlfriend ni Jason?”
Girl 2: “Paano mo nalaman na siya yung girlfriend?”
Girl 1: “Nakita ko silang magkasama kahapon nung umuulan. Ang sweet nga nila eh. Bagay pa sila”
Napangiti nalang ako. Hindi ko alam na ganun pala siya kasikat dito. Halos lahat ng babae kilala siya.
Kinabukasan.
Yung kababata ko dumalaw sa bahay.. nagyayayang lumabas.
Pumunta kami sa mall..
“May boyfriend ka na? Sino?? Kailangan kong makilala.” Tanong niya saakin
“Papunta siya dito. May pupuntahan din kasi siya”
“Nasaan na siya? Kailangang Makita” pilit niya
Eh biglang dumating si Jason..
“Si Jason nga pala, boyfriend ko” pakilala ko sa kababata ko
“Girlfriend mo ‘tong bruha na to???” O___O tanong niya kay Jason
“Oo” matipid na sagot ni Jason..
“Uhmm nice too meet you, pero kailangan ko ng umalis eh. Bye!” dagdag ni Jason
Hinatid namin si Jason palabas ng mall.
“Teh! Ang gwapo naman pala ng boyfriend mo eh, hindi mo sinasabi saamin” sabi ng kababata ko pagalis ni Jason
“Eh wala eh. Chicks eh. Hahahahahahaha” pabiro kong sabi
Natapos na ang nakakapagod na araw. Malapit na din matapos ang summer L Aww.
BINABASA MO ANG
Paalam
Teen FictionA true to life story. Pipigilan mo ba siya o hahayaan mo nalang siyang maging masaya?