Makalipas ang isang buwan.. nakakatext ko ng madalas si Troy. Oo yung nanliligaw dati sa bestfriend kong si Bea.
Nabalitaan ko kay Troy na binasted daw siya ni Bea. Kaya naman madalas may mapagusapan kami. Nakwento ko na din sakanya kung paano ako niloko ni Jake.. Kaya ayun. Mas nagging close pa kami.
Nang biglang tumawag si Troy:
“Uhmm edi single ka ngayon?” tanong saakin Troy
“Oo, pero ayoko pang magboyfriend..”
“Ah. Ano bang hanap mo sa isang lalaki?”
“Sa isang lalaki.. Hmm. Loyal, gentleman, masayahin, Masaya kasama, marunong maggitara, marunong din kumanta” nagtatakang sagot ko
“Ang dami naman. Mahanap mo kaya siya?”
“Oo naman. Tiwala lang. dadating din ang tamang panahon”
Dun natapos ang usapan namin about sa lovelife. Pero magkatext pa din kami buong araw.
Dumating yung araw na parang kulang ang araw kapag hindi ko siya nakakatext. Ewan ko ba? Baka siguro namimiss ko lang na may boyfriend.. Siyempre nakakamiss din kaya ang mga goodmorning at goodnight texts at iba pang sweet texts.
“Uhmm, Pwede bang manligaw Sophie?”
“Huh? Ligaw? Baka naman naliligaw ka lang?”
“Hindi ah. Matagal ko ng nararamdaman to. Kaso umiiwas lang ako kasi nga mahal mo yung crush mo.”
“So matagal mo na akong gusto?”
“Oo. Hindi ko nalang pinilit kasi nalaman ko kayo na pala nung crush mo? At ayokong nasasaktan ka. Ng kung sino man”
Hindi ko alam yung nararamdaman ko na parang sinasabi na sagutin ko nalang siya agad-agad..
Tumawag bigla si Troy
Bigla niya akong kinantahan
Mabuti pa sa Loto, may pagasang manalo
‘di tulad sayo.. imposible
Prinsesa ka, ako’y dukha
Sa tv lang naman kasi may mangyayari
At kahit mahal kita
Wala akong magagawa
Tanggap ko oh aking sinta
Pangarap lang kita
At kahit mahal kita
Wala akong magagawa
Tanggap ko oh aking sinta
Pangarap lang kita
Pangarap lang
Nagulat ako sa kinanta ni Troy..
“Sige. Pumapayag na ako”
“Girlfriend na kita? Talaga?”
“Oo.”
BINABASA MO ANG
Paalam
Teen FictionA true to life story. Pipigilan mo ba siya o hahayaan mo nalang siyang maging masaya?