Habang kayakap ko si Baby Jason ko, iniisip ko ang posibleng mangayari sa mga sususnod na buwan kapag hindi kami makakapagkita :(
Baka... Makahanap siya ng iba
Baka... May umagaw sakanya saakin
Baka... Hindi ko magampanan yung pagiging girlfriend ko sakanya
Baka.... Baka... Baka...
Sobrang daming pumapasok sa isip ko..
Text, chat at tawag nalang ang communication namin..
Kaya kaya namin to'? Pagsubok lang ito..
Pero habag naiisip ko yun may isang bagay ang nagpangiti saakin..
Naririnig ko yung pag tibok ng puso niya..
"Bakit ang lakas ng tibok ng puso mo baby?" natanong ko sakanya bigla.
"Alam mo ba kung bakit?"
"Itatanong ko ba sayo kung alam ko na? Nako, ikaw baby ha? Bakit nga?" naasar ko nanamang sabi
"Kasi nandito ka na. Kasama na kita. Kasi akin ka na"
Kinilig nalang akong bigla..
At napangiti..
Sabay halik sa mga labi ko..
-------
Manila Bound
"Hay... Sawakas nakauwi na rin... Kapagod.." nasabi ko nalang pagkadating ko sa kwarto ko sabay higa
Pagkahiga ko.. Dire-diretso na ako sa pagkatulog..
*RIIIIIIIIIIIIIING.......*
*RIIIIIIIIIIIIIING*
2 MISSED CALLS
'MAHAL CALLING...'
BINABASA MO ANG
Paalam
Teen FictionA true to life story. Pipigilan mo ba siya o hahayaan mo nalang siyang maging masaya?