Chapter 1
The Father
Karen POV
Hi po, ako nga po pala si Karen Crislyn Pablo 18 years old. Mahirap man kami pero hindi ibig sabihin nun wala na kong pangarap.
Lahat naman ng pangarap posibleng maabot basta maniwala ka lang.
Kaya ito ako ngayon sinasamahan magkatulong ang nanay ko para matustusan niya ang pag-aaral ko.
Schoolar naman ako eh, schoolar ng tatay ko na mayaman.
Oo mayaman ang tatay ko, pero hindi niya kayang panindigan ginawa niya sa nanay ko. Dahil mahirap kami.
Actually tatay ko lang naman ang amo namin, at ang asawa niya? Hayon namatay na dahil sa sobrang babaero ng ama ko.
Hindi naman samin mahigpit si tita Noa. Ang bait bait nga niya ee.
Bff kase sila ng nanay ko, saka pinagkasundo lang sila ng tatay ko.
"Anak, pwedi bang lumabas ka muna diyan ng makakain na tayo",
"Tatapusin ko lang po sandali ginagawa ko."
"Sige hintayin na lang kita sa baba" at narinig ko na ang pagbaba ni nanay.
Dito ko sa kwarto ko nakadapa sa kama ko, at gumagawa ng assignment.
OO nang ASSIGNMENT. Kung ung ibang istudyante nag Ffb, tweeter, Instagram at nagbabasa sa Wattpad. Ako ito gumagawa ng TA at nakasubsob sa libro.
Gusto ko lang naman kaseng kilalanin niya ako bilang anak niya.
:(
Maitim, burog-burog ang face, mataba pero hindi naman sobrang taba mga kasing taba lang ng mga artistang nanganak.
Alam ko naman na hindi ako maganda. Kaya binabawi ko na lang sa pagiging matalino.
******
"ahemmm.... Ahemmmm..... Ahemmmmm!!!!!"
Mukhang lumalala na talaga ang asma ng nanay ko.
"Nay ako na po diyan, magpahinga na po kayo."
Dahan dahan kong inagaw ang platong hawak-hawak niya.
"Di na anak, baka may gagawin ka pa, kaya na to ni nanay."
Agaw niya ulet.
" Nay, natapos ko na po lahat, saka 3 plato lang po ito, kaya kayang kaya ko na to" agaw ko ulit sakaniya.
" Eh anak 3 lng naman pala yan, yakang yaka na yan ni nanay mo."
Agaw niya ulit.
"Nay mas mabuti kung magpapahinga ka na lang, baka lumala pa lalo ang sakit nyo niyan." Agaw ko sakaniya ulit. Kakulit talaga.
"Anak, alam mo naman na mas magkakasakit si nanay mo pag hindi kumikilos. Kaya mas mabuti kung ikaw na ang magpahinga doon, alam ko naman napagod ka sa skwelahan." Agaw na niya sakin.
"Ahemmmmm..... So anong oras kayo matatapos diyan?"
Pareho kaming napatingin sa may gawing pinto.
At doon ko nakita ang isang lalaking kahit kailan hindi ko makasundo.
Ang aking kapatid sa ama.
Kung gaano kabait si tita samin, un naman kasama ugali niya sa amin.
Saka isapa hindi ko rin alam kung kapatid ko nga ba to. Dahil sa itsura lang namin malayong malayo na.
"Alam kong gwapo ako, kaya kung pwedi lang wag niyo na akong titigan. At baka maging kahawig ko pa kayo"
Tsk.. Kayabang talaga. Palibhasa may ipagyayabang.
"Nay ako na po maghugas niyan, ilagay niyo na lang po sa lababa." Tumango naman ang nanay ko at pumunta na sa kusina.
Tinignan ko nang masama si Karlo.
"So ano kailangan?" Sabi ko dito. Mahinahon kong sabi.
"Kasungit mo naman, eh hindi ka naman maganda."
Arayyyyy!!!! Masyadong masakit naman to magsalita.
"Ano po maipaglilingkod ko sa inyo mahal na senyorito."
Nakangiting sabi ko.
Simula pagkabata namin yan na ang madalas kong itawag sa kaniya pag nang aasar siya. Di ko nga alam pero umeepekto sa kaniya yan at hindi na ako ulit inaasar.
"Tsk... Tawag ka ni daddy" un lang at umalis na ito.
Bastos talaga.
Teka
Tawag daw ako ng daddy niya. Eh sino nga pala daddy niya? Eh di ang ama ko rin.
WOW....
As in WOW.
For the first time pinatawag niya ako.
Kadalasan kasi wala ito sa bahay, kung hindi man nasa kwarto lang or sa office niya.
Pero kahit naman kase nasa bahay siya hindi niya ako pinapansin at dinadaan-daanan lang niya ;(
Kahit na ganun ang ama ko. Mahal na mahal ko siya at handa kong gawin ang lahat para sa kaniya.
Kahit ano pa un basta matanggap lang niya na anak niya ako.
***********
Naghugas muna ako ng pinggan bago magpunta sa office ng ama ko.
Huminga muna ako nang malalim.
Sobrang kinakabahan ako. Hindi ko alam kung dahil sa sasabihin niya or dahil sa unang pagkakataon ay may kailangan siya sakin.
Hinawakan ko na ang door knob at dahandahan pinihit ang pintuan.
At duon ko nakita nag aking ama na nahhihintay sakin at nakangiti.
Nakangiti na sobrang tamis na parang ang sayasaya niya na nakita ako.
Inilahad niya ang mga kamay niya.
"Mam kanina pa po kayo hinihintay ni Don Rey."
At dun na putol ang panaginip ko. Panaginip na hindi kailan man mangyayari at kabaliktaran sa katotohanan.
"Manang Karen na lang po"
"Pero mam" nagkamot ito nang ulo.
"Manang kahit na anak ako ni Don Rey eh tinuturing ay un talaga ang tingin niya sakin" ang sakit talaga ng katotohanan. "Pareho lang din naman po ang roll natin dito sa bahay."
"Oh sige ma... Karen pumasok ka na at may aayusin pa ako sa kusina"
"Sige po manang, salamat po"
Pagkaalis na pagkaalis ni manamg hinawakan ko na ulit ang door knob at dahandahan pinihit.
This time, for real na to.
Pinikit ko ang mga mata ko at huminga nang malalim. Pagkabuga ko ay kasabay din nang pagdilat ng aking mga mata.
Kasabay din nun ang pagbukas ko ng pintuan.
This is it pansit.
***************
Thanks for reading :)
BINABASA MO ANG
Maid For Love( In Real )
RomancePano kung hilingin nang ama mo sayo ang pakasalan ang taong hate na hate mo at isang dakilang Bully. Pano kung hilingin naman nito na maging katulong ka nito hanggang hindi ka pa nito nagagawang mahalin. Ano ang gagawin mo? Matatanggihan mo ba ang a...