Chapter 1: the Morning

8 0 0
                                    

Zhimiera POV

*RIIIIIINNNNNGGGG*
*RIIIIIINNNNNGGGG*
*RIIIIIINNNNNGGGG*

*TOOT TOOT TOOT*

*RIIIIINNNNNGGGG*

*RIIIIINNNNNGGGG*

*RIIIIINNNNNGGGG*

*TOOT TOOT TOOT*

*RIIIIINNNNNGGGG*

Napabalikwas ako sa inis dahil sa kakulitan ng babaeng tumatawag!
Marahas kong kinuha ang cellphone ko at napairap pa ako bago sagutin ang tawag!

*RIIIIIIINNN---*

"HELLO!" inis na sagot ko

"My Guwd!!! What takes you so long to answer my call!"

"Kakagising ko lang ate!, istorbo ka naman!!"

"What? Me?... Istorbo ako?! Ang kapal ng mukha mong sabihan akong istorbo!"sigaw ng babae sa kabilang linya na paniguradong nasa baba lang.

Kahit kailan OA.

"Bakit, totoo naman ah! Look ang aga-aga pa oh... 7:30 palang nambubulabog kana!"

"Ang sabihin mo ay batugan ka lang talaga!!.... Masyado mong sinusulit yang dalawang lingong wala kang pasok! Hala mag-ayus ka na at bumaba dito!"

"Eh, inaantok pa k---"

"Bilisan mo ha! Naghihintay ako!"

*toot toot toot*

Hah!! Hindi man lang ako pinakinggan!!
Hanep ang babaeng 'yon!!

Ibnagsak ko ang katawan ko sa higaan at parang batang nagkakawag sa kama dahil sa inis at panggigigil.

"Argggggghhhh!! Inaantok pa ko eh huhu!!!"

Ako si Zhimiera Almirante

18 years old pero ang height ko ay pang 16 years old lang...madalas kong kainisan iyon dahil duon din ako madalas asarin.

Dati palagi akong nagtataka kung bakit kinapus ako sa height samantalang ang ang tatangkad ng mga ate ko at maging ang buso namin ay malaki pa sa akin. Pero ngayon alam ko na kung bakit at tanggap ko na rin.'Yun nga lang hindi na yata mawawala ang sakit sa dibdib ko dahil sa nalaman kong katotohanan.
Gayun pa man wala na sa akin yun...Sanay na ako eh.

Sanay nang masaktan. Outch!

Ilang minuto pa ako nanatiling nakahiga bago matamlay na bumangon at nag-ayos ng sarili at bumaba.

Pagkarating ko sa dinning table ay nadatnan ko si Ate Larnie na nakaupo at abala sa pagpapakain sa anak na dalawang taong gulang.

"Oh, bihis na bihis ah, san punta?"sabi ki nang makaupo.

"May lakad nga ako!" maarteng sabi niya sabay ngiti ng matamis.

"Bussines meeting?" tanong ko umiling sya. "Meeting with friends?" umiling ulit siya.

Ngumiti siya na parang kinikilig.

Ah, alam ko na. Phsss!

"Date/Date!" sabay naming sabi ang kaibahan nga lang ay masigla ang pagkakasabi niya at sakin ay matamlay.

Naglagay ako ng pagkain sa plato ko.

"Ah, Mira can I ask you a favor?" nahihiya pang sabi niya.

"What is it?" walang ganang tugon ko pero sa isip ko ay may nabubuo nang idea kung ano ang sasabihin ng isang 'to.

"Hmmm, diba wala ka namang pasok ngayon?...dahil dalawang linggo nga kayong walang pasok sabi mo kaya kung ayus lang naman sayo bant---"

"Hindi pwede"

I Found You in the Blue SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon