Charter 4 :

1 0 0
                                    


Zhimiera POV

"Oh Mauuna na kami ah. Kailangan ko pa kasing tumulong sa karinderya eh. Mag-iingat ka!" Paalam ni Joyce. Nginitian ko siya at tinanguan.

"Ako din mauuna na, Goodluck sa tutorial mo hahahaha!" Biro sa akin ni Josh

Buset na 'to pinaalala pa! Balak ko pa naman sana takasan yun!

"Salamat talaga sa suporta ha!" Lalo silang tumawa " Sige umalis na kayo alam ko namang may date pa kayo!" Biro ko din at nagkatinginan naman sila bago animo'y nandidiring tinignan ang isat-isa

Phsss!! Kunwari pa 'tong mga 'to!!

"Ewww!!" Ani Josh

"Maka-Ewww naman, Wow ang gwapo ah!" Pag-paparinig ni Joyce " Makaalis na nga bahala kayo d'yan!!" Singhal nito at saka kami tinalikuran natawa naman ako!

"Uyyy, hintayin mo ako!! Sabay na tayo lumabas!" Sigaw ni Josh at saka sumunod " Mauna kami Mie ah, Bye!!.... Uy Joyce Wait for me!!"

"Bahala ka d'yan!"

Natatawa ko silang pinagmasdan habang papalayo at saka ako bumaling sa direks'yon ng classroom nila Nickie.

Balak kong magpasama sa kaniya, sana lang talaga pumayag siya.

Nang makarating ako sa classroom nila Nickie ay nadatnan ko siyang naglilinis ng classroom kasama ang ilan pa niyang mga kaklase.

"Cleaners ka?" Halos mapatalon siya sa gulat ng pumasok ako sa classroom nila.

"Oh miss me? Oo cleaners ako gusto mo tumulong?" Nakangiting tanong niya ngumiwi naman ako at umupo sa isang desk ng armchair.

"Neknek mo!"

"Tamad .Tsss!" Sabi niya at saka nagpatuloy sa pagwawalis!

Kahit kailan talaga ay ang sipag-sipag neto!!

"Uyy Bal, hindi naman ako nandito para tumulong sayo maglinis!"

"Oh eh, anong ginagawa mo dito aber?! Dapat hinintay mo nalang ako sa quadrangle!"

"Eh... Magpapasama sana ako sayo dun sa..." Hindi ko tinuloy ang sinasabi ko dahil bala madinig ng mga kaklase niya.
Bahagya ko pang tinignan ang mga kasama niyang abala sa paglilinis.
"Alam mo na!" Makahulugan ang binigay kong tingin sa kaniya

"Ahh dun sa pag---" binigyan ko siya ng warning glare para hindi niya matuloy ang sinasabi niya "Ah---hahahaha. Yun ba. Sorry pero hindi ako pwede eh!" Agad siyang bumalik sa paglilinis.

Bigla akong nanlumo!! Paasa ang isang 'to!!

"Ayyy, hindi samahan mo ko!! Hoyyy ikaw" tawag ko sa isa niyang kaklase na nagpupunas ng glass window

"A-ako?" Turo nito sa sarili

"Ayy, hindi yung bintana ang tinatawag ko!" I said sarcasticly and I saw her makeface on me secretly na dahilan ng pagkulo ng dugo ko. Pero hindi ko na pinansin dahil uutusan ko siya
"Kunin mo 'tong walis ni Nickie at ikaw ang gumawa ng ginagwa niya!"

"Bakit ako?"

Aba! Sumasagot pa!

"Trabaho niya yan at hindi sa akin!" Parang tangang sagot ng babaeng mukhang palaka!

Napangiti ako sa katotohanang matapang ang isang 'to!

"Ang sabi ko ay kunin mo ang hawak na walis ni Nickie" malumanay na sabi ko.

"Bal, hayaan mo na. Ako na ang gagawa nito dahil trabaho ko nman 'to eh" pag-awat sa akin ni Nickie pero hindi ko siya pinakinggan

"Pasensya na pero, may kaniya-kaniya kaming trabaho na ibinigay ng teacher namin at hindi ko obligasyon na sundin ang uto---"

I Found You in the Blue SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon