Chapter 3 : The Kapre 2

3 0 0
                                    

Zhimiera POV

Nakayuko ako habang lakad takbo ang gianagawa ko. Iniingatang walang makakita sa mukha ko habang pinapanatili ang layo ng agwat ko sa lalaking kanina pa ako hinahabol.

Paking tape!! Bakit ba humahabol pa rin ang gunggong na'to!!

"Hoyyyy, hintayin mo ako! Bakit mo ba ako tinatakbuhan ha!, matapos kitang iligtas ganyan ka!"

Mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad. Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta ang gusto ko lang ay makalayo sa lalaking ito!.

Please stay away from me!!

"Sige tumakbo ka lang... Isisigaw ko talaga ang pangalan mo dito!!" Sigaw niya kaya naman otomatiko akong napahinto.

Hala! Kapag ginawa niyo yun yari ako! Huhuhu!

Naikuyom ko ang kamao ko. Patay talaga sa akin 'to kapag natapos lahat ng problema ko dito! Hahuntingin ko siya buset!!.

"Hooo!! Hihinto ka rin pala nagpahabol ka pa!" Hinihingal na sabi niya nangmakalapit sa akin.

Inis ko siyang hinarap at pinigilang suntukin ang mukha niya na kanina ko pa gustong gawin.

"Ikaw!" Turo ko sa kaniya. Nagpipigil n galit "Bakit ba ayaw mo kong tigilan ha!! Ano bang gusto mo!" Mariing usal ko sa mismong mukha niya. Mananakit ang leeg ko kakatingala sa kaniya sobrang tangkad kasi eh. Parang kapre!

"Isa lang naman ang gusto ko eh, yun ay ang tuparin mo ang pinagkasunduan natin" parang batang usal niya.

Ewwww, hindi bagay sa itsura niya! Nakakadiri! Ikaw kaya makakita ng isang matangkd na lalaki na may maba at medyo kulot na buhok at may bigote na mag-iinarte na parang bata! Ewww lang talaga.. Just ewwww!!

"Ano ba kasi yon ha, sabihin mo na para magtigil kana!" Singhal ko at iniiwas ang paningin sa kaniya dahil sa hindi ko matagalan titigan ang mukha niya. Hmalukipkip ako habang naghihintay na magsalita siya

"Hmmm, sabi mo diba pagbibigyan mo ko ----"

"Oo na!! Ano nga yon?!" Inis na pagmamadali ko sa kaniya.

Sana naman hindi mahirap! Huhuhu.

"Isa lang naman ang gusto ko e----"

"Anak nang!! 'Wag ka na nga'ng paligoy-ligoy nakakainis ka na ah---"

"Turuan mo ko!" Natameme ako sa sinabi niya... Hindi ako nakasagot sa hindi ko malamang dahilan.

"Turuan mo 'ko... Gusto kong turuan mo ako para makapasa ako sa exam's na kukunin ko eskwelahang ito!" Seryoso talagang sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.

Sa'n ko ba nakita ang mga mata'ng 'yan?... I know that I already saw that eye's but..... Where? .....When?

"Sige" wala sa sariling sagot ko.

"HUWAAAAAAAAAHHHHHHHH!!!!!" Mangiyak ngiyak na sigaw ko.

"Aray ko Bal, ang ingay mo kanina ka pa ah!" Inis na sabi sa akin ni Nickie.

Narito kami ngayon sa karinderya na pag-aari nila Joyce. Dito kami palagi nagla-lunch kapag tanghali o kapag vacant dito din kami nagtatambay.

Wala masyadong estudyante ang kumakain dito kapag luch dahil sa maaarte ang mga taong nag-aaral sa paaralang pinapasukan namin. Halos lahat ay sa canteen o kun'di naman ay sa resto sila kumakain. Mga spoiled brat!. Phsss.

"Eh, bakit nan kasi pumayag ka?" Tanong ni Joyce na nakaupo sa harap ko. Kumakain.

"Huhuhu! I don't know! Parang kasi yung mga mata niya hinihipnotise ako eh, hindi ko alam kung may lahi ba yun na budol-budol gang!" Naghihisteryang sabi ko na may papunas punas pa ng mukha.

I Found You in the Blue SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon