BALLPEN

1 0 0
                                    

sa  unang  pagkakataon
Sa  unang  taon  ko  sa  kolehiyo
Tumibok  tong pihikan  kong  puso
Hindi  ko  alam  paano
Nagsimula  o  nagkaroon  ako
Ng  interés  sa  isang  tulad  mo
Nagsimula  sa  mga sulyap
Tinitingnan  kita  sa  malayo
Nang  mahuli  kitang  tinititigan  mo  din  ako
Napayuko ako
Tumingin  sa mga  libro ko
Nagkukunwaring  binabasa  ito
Hindi ko  matago  yung  kilig
Kay  tamis  ng  mga  ngiti  mo
Pagumanhin,
Pero  tila  yelo  ako
Natutunaw sa  bawat  titig  mo
At unti unti Kong  narinig
Ang  mga yabag  mo
Papalapit  ng  papalapit
Kinakabahan  ba  ako
O  natataranta
O  sadyang  kinikilig  lang  talaga
Tinawag  mo  ang  pangalan  ko
At  napatingin  ako  sa  mga  mata  mo
Bigla  mo  akong  binulungan
"May  ballpen  ka  ba?"

POETRY: SCHOOL SUPPLIES  EDITIONWhere stories live. Discover now