Wika
Ang daan patungo sa mabuting pakikiugnayan at pagkakaintindihan saan mang sulok ng bansa maging sa buong mundo. Lahat ng bansa ay mayroong wika na sumasalamin sa kung anong kultura mayroon sila. Ang wika ay isang pagkakakilanlan sa bawat mamayan sa iisang lugar .lahat tayo ay mayroong kinagisnang wika na siyang ating ginagamit sa pakikipag usap at pakikipag ugnayan .Mahalaga ang wika dahil ito ang medyum na ginagamit natin para magkaroon ng pagkakaintindihan sa kabila ng pagkakaiba ng kultura o lugar.
Pero paano mo nga ba pinahahalagahan ang iyong wika?
Sa panahon ng modernisasyon, marahil isa ka na din sa mga kabataang hindi madalas nagagamit ang sariling wika sa pakikipag usap. Epekto na din ng teknolohiya na marami sa atin ang hindi na alam paano magbaybay ng mga salita .Malaking bahagi na rin ang pagkahumaling nating mga pilipino sa kultura at pananalita ng ibang bansa kagaya na lamang ng bansang america at Korea. Maraming kabataan ang mas nahuhumaling pag aralan ang wika ng iba kaysa sa sarili niyang wika. Kaya mga kabataan, nawa ay mas isapuso at ipamuhay natin ang sariling atin. Ipagmalaki mo na ikaw ay isang tunay na pilipino sa isip, sa salita at sa gawa .Hindi naman masama ang pag aralan o maging interesado sa wika ng iba basta't huwag kang makakalimot sa pinagmulan mo. Ayon sa pambansang bayani natin na si Dr. Jose P. Rizal na, " ang di magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa malansang isda". Isang kahihiyan para sa atin na ang ating mga bayani ay nakipaglaban sa mga mananakop para sa ating kalayaan at para magkaroon tayo ng sarili nating pagkakakilanlan. Kaya mga kabataan, dapat nating pagyabungin at pagyamanin ang wikang filipino dahil tayo ay mga pilipino. Magbasa ka ng mga aklat na nakasulat sa wikang filipino o nakasalin sa wikang filipino. Maging matatas ka sa wika mo, bago ka maging matatas sa wika ng iba. Ugaliing magsalita ng wika mo sa lahat ng oras maging sa tuwing gumagamit ka ng teknolohiya. Alamin mo ang tamang baybay ng mga salita at kung kinakailangan gumamit ka ng diksiyonaryo Para mas palawakin ang iyong bokabularyo. Palawakin mo pa ang kaalaman mo sa iyong sariling wika sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga aklat patungkol dito. Magbasa ka ng mga komiks na nakaimprenta sa wikang filipino sa paraang ito mas mapapasaya ang iyong pagkatuto. Manood ka ng programa na sumusuporta sa wika o di kaya mga palabas sa teatro na naglalayon mapa angat ang wikang filipino sa wikang sining. Sumali ka p makibahagi sa mga patimpalak ng mga pagtula,sabayang pagbigkas o pag awit .Higit sa lahat huwag mong ikahiya ang iyong wika.
Marahil, nawawala na yung sigla ng wikang filipino. Pero muli natin itong buhayin, muling palakasin at ating ipagbunyi. Marami kang kayang gawin, kailangan mo lang kumilos ngayon. Tayo ang mga pilipino at tayo rin ang ating wika.