College ring
ito yung time that I said, "Yes to this profession"
And looking at this picture make me realize na I had to fight for what I love. I feel in love sa teaching during practice teaching days. Sinabi ko sa sarili ko noon na " I belong in this field". May mga down moments man ako after graduation pero sabi ko ilalaban ko to. And heto ako ngayon andito na ako sa public school. Pero there were times na uuwi ako ng bahay questioning my worth as a teacher. May mga frustrations ka sa sarili mo. Bakit? Bakit? And you'll end up crying. Ito yung reality, dito mo marerealize na yung pinag aralan mo sa apat na taon ay pawang "idealism" pero kabaliktaran iyon ng reality. There were moments na sa sobrang pagod mo naiisip mong sumuko. Kakayanin ko pa ba? you did your best naman pero bakit di pa rin naging enough. Pero there is an inner voice in you na nagsasabing " doing your best is more than enough". You are in a stage na developing yung skills kaya it was totally okay kung may mga mali ka at pagkukulang. You can be better everyday. Waking up the next is a chance for you to improve and excell. Maniwala ka sa sarili mo at huwag na huwag mong sukuan yung mga estudyante mo. Yes, mapupuno ka madalas at kahit gaano pa karami yung pasensyang babaunin mo trust me kukulangin pa rin yan. Lagi mong iisipin na worth it lahat ng sacrifices mo kasi your doing your job out of love. Sobrang mahal mo yung mga estudyante mo na minsan natatawag mo pa silang anak o di kaya minsan tawag na nila sayo "mama". Yung hindi matutumbasan yung saya sa oras n matuto sila. Yung pagmamahal na binibigay mo, yun din yung pagmamahal nila sayo minsan higit pa. Kaya kung napagod ka man ngayon tingnan mo yung Mga ngiti ng mga estudyante mo sa oras na makita ka nila o kapag nakakasalubong ka. Minsan daig mo pa artista sa mga sigawan ng estudyante mo marinig mo lang na tinatawag nila pangalan mo. Yung kahit di mo na sila estudyante pero babalik at babalik sila sayo para mag "hi" at magmano. Sobrang saya sa pakiramdam na may buhay kang nabago at may naiambag ka sa pagbabago sa kanilang sarili.
Kaya pag naiisip mong bumitaw, sumuko o tumigil. Alalahanin mo yung saya sa mga ngiti ng mga estudyante mo. Alalahanin mo yung mga aral na naibahagi mo sa kanila at ang aral na naibahagi nila sayo.
At kapag mahal mo, hindi mo susukuan, hindi mo iiwan, hindi mo tatalikuran.
I rather be tired doing what I like than be tired doing nothing. 💛