Prologue

2 1 0
                                    

Many of us show love in the ways we hope to receive love. Nagmamahal tayo kasi ang alam natin susuklian din nila tayo ng pagmamahal na ginagawa natin sakanila pero hindi  lahat nagagawa yun.

May mga taong swerte kasi may ganung tao na nagmamahal sa kanila  at alam nilang di sila nito  iiwan.

May mga tao din nmn na malas na lagi nalang  nasasakatan.

Yung taong binigay mo nmn lahat pero kulang padin para sakanila. Lahat ng oras mo nakatuon sakanila pero nagawa ka parin nilang iwan. Ang sakit lang na yung taong minahal mo ng totoo at lubos ay yung tao rin palang magpapaiyak sayo.

Mahirap pero kailangan kong magmove on sayo Kent Iverson salonga di siguro ngayon pero alam ko sa sarili kong mangyayari yun balang araw. Yung tipong kaya ko ng ngumiti sayo ng walang iniindang sakit. Yung tipong di na ako iiyak kapag nakita kitang may kasamang iba. At na balang araw makakalimutan ka din ng puso kong  sayong sayo lng pero winasak mo pa ng tuluyan.

Pero ngayon alam ko nmn na kung hanggang saan nalang ako sayo. Alam ko nmn na wala na akong lugar dyan sa buhay mo. 

Di man ngayon pero balang araw haharap ako at sasabihin ko sayong "eto na yung taong iniwan at sinaktan mo noon na ngayon ay mas masaya pa sa inaakala mo" Normal lang nmn siguro na maging bitter kapag nasaktan diba?

Masakit pero kailangan alam kong lahat ng nangyayari dito sa mundo ay may dahilan . Pwedeng kaya naghiwalay kami ni kent kasi may dahilan si god na may tao pang deserving kesa sa kanya.

At ipinapangako ko na ito na ang pinakahuling iyak na papatak sa aking mga mata ng dahil sa isang lalaking tulad mo na sinaktan ako ng lubusan.

Makikita mo rin ang bagong Louise Jane Zamora

One Last CryWhere stories live. Discover now