The House On The 3rd Avenue

1.8K 15 3
                                    

My First time to make a story hohoho so i hope ma enjoy niyo. Don't forget to live comments and please vote if you like it
Thank you guys mwaaaahhh!!!

----------------------------------------------------------------------







Niyaya ako ng tita Janice ko na magbakasyon sa kanila sa Makati.

Siyempre bilang teenager, agad akong nagpaalam sa daddy ko.

Pumayag naman siya. Pero ang usapan namin ay isang linggo lang ako doon.

Hindi na ako tumanggi dahil mahaba na din yun. Pagdating namin sa bahay niya sa Makati, agad kong naramdaman na tila may nakatingin sa bawat kilos ko.

'Di man komportable ang pakiramdam ko, inayos ko na lang ang mga gamit ko at nagpahinga ng sandali.

Tinawag ako ng tita ko upang kumain.

Matapos makapananghalian, agad kaming pumunta sa bahay ng isa ko pang Tita na si Tita Elvie, na isang sakay lamang ang layo.

Dumating kami doon ng saktong 2p.m.

Tuwang-tuwang sumalubong ang mga pinsan kong sina Ate Mae ate Allie.

Agad nila akong niyaya na mag kwento sa kanilang silidtungkol sa mga karanasan ko.

Ang hindi nila alam may kakayahan akong makakita ng mga bagay na 'di pangkaraniwan.

Ikinuwento ko sa kanila ang nangyari sa eskwelahan namin noon nung ako ay nasa ikalawang taon ng high school.

Kilabot na kilabot sila sa narinig, pero natatawa na lang ako sa reaksyon nila, ngunit bahagya na ding nangngilabot.

Hanggang sa may sinabi sa akin si Ate Mae.

"Alam mo, Lai, meron ditong haunted house sa amin"

Doon lang sa may 3rd Avenue," sabi ni Ate Mae sa akin.

"Ows....! Baka naman bluff lang yan"

"Hindi nga. Totoo ito, Lai "

"Kaibigan ni kuya Eugene may-ari nung bahay, eh," sabi naman ni Allie.

Nakakatanda nilang kapatid si Eugene.

"Sige nga, kung totoo yan"

"Punta tayo mamayang gabi dun," nanghahamon kong wika.

"Ayoko!", sabay pa nilang sagot,

"Hindi pa nga namin napapasok yun,eh"

"Saka natatakot kami, kung gusto mo, sabihin mo kay kuya na gusto mong pumasok dun, total uuwi na din yun maya-maya," sabi ni Ate Mae.

Tumango na lamang ako bilang pagsang-ayon.

Tinawag na kame ni Tita Elvie upang

mag-meryenda nang dumating si kuya Eugene.

Agad niya akong kinamusta at tinanong kung gusto ko daw bang pasyalan yung bahay ng kaibigan niya.

The House On The 3rd AvenueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon