"Maganda dun, Lai. Di ka malulugi"
Alam mo ba yung 3rd floor nung bahay nila Dennis (may-ari ng bahay), may matandang babae
Dun sa kwarto mismo ng mama niya.
Kapag andun yung mama niya, kahit hindi nila-lock yung kwarto, hindi nila mabuksan.
Inakala pa nga nilang 'yung pinto yung may problema eh.
Pero nung pinaayos na, walang nakitang problema 'yung nag-ayos.
Tapos 'eto pa, kapag nasa ibang bansa yung mama ni Dennis, kahit na nakasara 'yung pinto at walang tao, may naririnig silang nagsa-salita sa loob.
Pag naman bubuksan ng mga katulong gamit yung master key, biglang sisigaw ng pagalit yung matanda sa loob ng
WALA KAYONG KARAPATAN NA PUMASOK DITO!
Siyempre, matatakot sila, kaya tatawagin si Dennis at yung hardinero.
Nung nabuksan na, wala naman silang nakita sa loob, pero nung pumasok na sila ng banyo,nakita nilang parang may mga patak ng dugo.
'Di nga nila alam kung saan nanggaling eh. Walang pinanggalingan at walang tinapusan,"mahabang pagkukuwento nito.
"Okay. Accompany me there, ha? Gusto kong Makita,eh, "sabi ko.
"Lai, puro sila lalaki doon," nababahalang paalala ni Tita Elvie.
"Tita, nandyan naman si Kuya Eugene,eh." Napabuntong hininga na lamang ito.