Kinagabihan, agad kaming tumungo sa bahay ni Dennis sa 3rd Avenue.
Tahimik na tahimik sa loob ng bahay nung pumasok na kami.
Luma na ang bahay dahil matagal na rin nila itong ina banduna dahil sa hindi maipaliwanag na kababalaghan na nangyayari sa bahay na ito.
Walo kaming lahat na pumasok doon,ako, si Kuya Eugene, si Dennis at lima pa nilang tropa.
Pagpasok ko pa lang, 'di ko na alam kung anong pakiramdam ko.
Medyo nananakit 'yung ulo ko at parang bumibigat pakiramdam ko.
Nung umakyat na kami, dinala muna nila ako sa roof top upang magpahangin.
Nadaanan namin ' yung kuwarto na sinasabi nila.
'Di ko mapaliwanag ang nararamdaman ko nu'ng napagmasdan ko yung pinto kahit na sandal pa lamang.
Parang may pumapasok sa isip ko na kung ano pero di ko mapaliwanag.
Nung nkarating kami sa roof top, tila agad guminhawa yung pakiramdam ko.
Paglingon ko, may nakita akong batang lalakina ang edad ay nasa pagitan 6 hanggang 10 taong gulang.
Nakasuot ito ng uniporme at nagsalita ito sa tonong inosente:
"Alis kayo dito. Gagalit na siya",
sabi nito.
Nilapitan ko ang bata at tinanong kung sino ang tinutukoy niya.
"Yung babae, Nakakatakot siya"
Iyon lang at bigla na itong umiyak ng malakas.
Pakiramdam ko sasabog ang utak ko sa sobrang lakas.