four

675 6 0
                                    

Napansin ng pinsan ko na tila namumutla ako at parang maiiyak.

Agad nila akong niyayang umuwi na dahil napapansin nilang tila nag-iiba na ang pakiramdam ko.

Pababa pa lamang kami nang may marinig akong malakas na iyak.

Tila isa iyong panaghoy dahil nagsimula na akong mangilabot.

Nung tumapat kami sa kwarto sa 3rd floor, bigla na lamang akong napa sigaw ng malakas sa aking nakita.

Isang matandang babaeng naka-suot ng itim na sotana ang tumatagos sa pinto.

Tila ako papanawan ng ulirat sa takot.

Ang balat ng babae ay halos dumikit na sa buto.

Maugat ang mga kamay at ang mga mata, wala akong maaninag.

Ang mga labi niya'y parang may sinasabi, lumuluha ng dugo.

Bigla niya akong hinawakan sa kamay at aktong hihilahin ako.

Naramdaman ng pinsan ko at ng tropa niya ang malakas na puwersang humihigop sa akin kaya nagtulong-tulong sila sa paghila.

Nahulog ako ng hagdan sa pag-aagawan nila at nawalan ng malay.

Nung magising ako, inusisa nila ako agad sa nangyari.

Hindi ko magawang magsalita dahil nanginginig pa ako sa takot.

Naramdaman ko ang luha sa aking mga mata.

"Luisita Antonio," ang tanging nabanggit ko.

Sa pagtataka kung sino ito, mabilis na nagtanong-tanong ang mga ito kung sino yun.

Di ko sila sinagot at sa halip, umiyak lang ako ng umiyak.

Nang tanungin naman nila si Dennis kung sino ang Luisita Antonio na ito, hindi din nito alam.

The House On The 3rd AvenueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon