CHAPTER 1: My Star

595 7 0
                                    

"Nics, baba ka muna dyan! Para sayo yata tong sulat na to" sigaw ng kanyang daddy.

"OK dad!" sabi ni nicole habang tumatayo sa harap ng computer. Kanina pa sya gumagamit ng computer, paulit ulit lang naman ang ginagawa nya dito. Mag save ng pictures ni Elmo Magalona at ng JuliElmo, mag download ng mga bagong kanta ng JuliElmo, magbasa ng fanfictions, maghintay ng bagong tweet ni Elmo, at mag update ng tumblr, facebook at twitter nya. Araw araw niya itong ginagawa na para bang hindi siya nagsasawa. Malalaman mo agad kung nasaan ang kwarto nya sa bahay nila dahil pagpasok na pagpasok mo doon ay may malaking poster sya ni Elmo Magalona at mga pictures nito na nakadikit sa dingding. Masaya na siya doon, kahit hindi nya siya lumabas ng bahay nila.

Pagbaba niya ay inabot ng kanyang daddy ang sulat na hindi pa nabubuksan. Binuksan niya ito at binasa, nanlaki ang mga mata niya at binasa niya ito ng dalawang beses "WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH" sigaw ni Nicole. Dali dali naman siyang pinuntahan ng kanyang mommy at daddy na nagaalala. "What's wrong" "Anyare?" sabay sabay na tanong ng kanyang mommy at kapatid na si Jane. "NANALO AKO!!!!!!" sigaw ni Nicole na may malaking ngiti. "Huh? Patingin nga" sabi ni Jane sabay agaw sa hawak ni Nicole na sulat. "Oh-my-gosh. Totoo ba to? Nanalo ka dun sa paraffle game ni Saab Magalona?" tanong ni Jane na hindi pa din makapaniwala.

Ang raffle game na iyon ay sinalihan ni Nicole last month, na kung sino ang mananalo ay makakasama ni Elmo Magalona ng isang linggo sa Boracay.

My Star - Elmo MagalonaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon