CHAPTER 2: My Star

334 4 0
                                    

"Hey my little Bro, may nanalo na sa "be with Elmo Magalona this summer" game. You know what sobrang daming sumali!" kwento ni Saab kay Elmo na busy sa phone.

"Hey! Nakikinig ka ba? Sino ba yang ka text mo? Patingin nga?" usisa ni Saab at pilit na tinitingnan ang phone ni Elmo.

"Tss. OO nakikinig ako. Wala to. So, who's the winner?" tanong ni Elmo na di pa din inaalis ang atensyon sa phone nya.

"I forgot her name eh. Pero i'll meet her later... I'll let you know if she's nice or not. And by the way, be sure na wala kang appointments next week ha. You know, para makapagbakasyon ka naman din ngayong summer." sabi ni Saab.

"Okay, alam naman ni Mom yun. Thanks Saab." ngumiti ito kay Saab.

Siya si Elmo Magalona ang anak ng Master Rapper Francis Magalona. Gumagawa na siya ng sariling pangalan sa showbiz, isa na din siya sa highest earning kapuso young star. Nasa kanya na yata ang lahat, gwapo, matalino, mapagmahal sa pamilya, gentleman, at higit sa lahat TALENTED. Pero kahit gaano sya kasikat ngayon ay nananatili pa din itong mabait sa iba at down to earth. Ngunit mahiyain nga lang siya minsan kaya nasasabihan sya ng iba na suplado.

Sabi nga nila pag sikat hindi mawawalan ng haters at issues, hindi lingid sa kaalaman ni Elmo ang tungkol sa chismis na si Lauren Young ang girlfriend nya. Lumalabas sila pero may mga kasama naman sila. At isa pa ay may ibang tinitibok ang puso niya..... si Julie Anne ang partner niya.

My Star - Elmo MagalonaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon