Chapter 2Gusto kong mabilaukan sa sinabi ni Lolo kahit wala naman akong kinakain o iniinom.
"Apo agad sa tuhod, Lo? Hindi ba't parang ang aga pa para sa amin na magka-anak? You know we need to enjoy our life first. " Sabi ni Kuya Lio.
He have a point. Masyado pa kaming bata and I don't think of me getting married at this age. I want to get married when I'm turning 28 but with the age of 24? Is he serious? Pero hindi naman siguro ako ang magbibigay kay Lolo, not now.
"Mas nakaka-enjoy ang buhay kapag kasama mo ang mga mahal mo sa buhay. I can spend 100 years just to be with your Lola again. Lahat ng meron ako ngayon, I can give it up just to have her back. Miko can't do this because of the company. Shellene can't do this also because she have a contract and if we violate it they can charge us. Angelo is obviously not into this because he is too young for marriage." Sabi ni Lolo.
Kaya naman tinignan ko ang apat kong kuya na ngayon ay hindi maipinta ang mga mukha.
"Not me. Ayokong masakal I mean makasal." Mabilis na sagot ni Kuya August.
"I need a century before doing that." Sagot ni Kuya Lio.
"Hindi ako pwede, Lo. Hindi dahil sa ayoko kung hindi dahil sa virgin pa ako." Sabi naman ni Kuya Niko.
"I have a business to run too." Sabi naman ni Kuya Max kaya lahat sila ay napatingin sa akin.
Magsasalita na sana ako ng umalma agad si Kuya Niko.
"Not our Ryne, Lolo. Marami pang pangarap sa buhay ang princess namin." Reason out ni Kuya Niko.
Parang gusto kong pumalakpak dahil sa sinabi niya. Sa mga ganitong pagkakataon, mapagkakatiwalaan mo talaga si Kuya Niko dahil nagiging assest niya ang bibig niya sa sobrang daldal.
"I know, pero nakapagdesisyon na ako."
Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi ni Lolo. So after all ako talaga ang gusto niyang magbigay sa kanya ng apo? But why me? Wala akong alam sa mga gawaing bahay except sa gardening.
"No! Not now, Lolo. Our Ryne wants to build her own career in business industry. She wants to have her own name too." Sabi ni Kuya Miko.
Gusto kong maiyak dahil sa nakikita ko sa dalawa kong kapatid na pinaglalaban ako. Pero ayoko naman na madamay ang buhay nila kung ako naman talaga ang napili ni Lolo. Kahit na ayoko pa, maybe this is the only way para maging masaya siya.
"Why don't we ask her. Ryne, hija?" Sabi ni Lolo at lahat sila ay nakatingin sa akin.
"I r-really don't know what to tell." Pumikit muna ako bago ako nagsalita ulit.
Parang may bumabarang kung ano sa lalamunan ko at hindi ko matuloy-tuloy ang pagsasalita. Kapag nasabi ko na 'to hindi ko na 'to mababawi pa. In our family, we have rules and that is kapag nakapagbitaw ka na ng salita, kailangan mong panindigan.
"Papayag na po ako." Sagot ko na naging dahilan para kumunot ang noo ng dalawa kong Kuya.
"The heck, Ryne?! Are you out of your mind? You're just 24?! Alam kong hindi ka pa handa mag-asawa. You can reject what Lolo's offering you." Sabi ni Kuya Miko.
Si Lolo naman ang sumagot sa kanya.
"She already said yes, hijo. No one can break that. Remember the rules." Sagot naman ni Lolo na mas nag pa iba pa sa mood at aura ng dalawa kong Kuya.
"Wala bang exception, Lo? Ang hirap tanggapin na ganoon na lang kadali para sa inyo na ibigay si Ryne sa kung sinu-sino." Napangiti ako ng palihim dahil sa sinabi ni Kuya Niko.
Ganito man ang ugali nito, I know deep inside his heart he really cares.
"Hindi lang naman sa kung sinu-sino ko ibibigay ang kapatid niyo. I already picked someone na alam kong gusto ni Ryne." Sabi ni Lolo pero ayaw pa rin paawat ng dalawa.
"Walang boyfriend itong kapatid namin, Lo? How she can handle it?" Sabi naman ni Kuya Miko.
Siguro nga, ngayon wala pa akong boyfriend but I had before.
"Paano kung sasaktan lang pala siya in the end, Lo? Bubuntisin tapos hindi pananagutan?" Dagdag ni Kuya Niko.
Hindi ko alam kung masasayahan ba ako doon sa sinabi niya. Mag madre na lang kaya ako?
Hayaan ko na lang kaya na si Kuya Miko na ang magbigay ng apo kay Lolo?
"That's why as a Lolo ako na ang nag hanap ng mapapangasawa ng unica hija ni Johnny." Sabi ni Lolo kaya nagreklamo na naman sila.
Wala na ba talagang katapusang reklamo ang magaganap dito?
Naiintindihan ko naman sila kasi alam kong concern sila pero ito na 'yon kahit naman na mag-away kaming lahat dito wala na rin naman magbabago I already said, yes.
"Pero Lolo hindi naman po pwede 'yong ganyan. We don't need fixed marriage in giving you a grandchild." Sabi ni Ate Shellene.
Pero ngumiti lang si Lolo sa kanila.
"It's not a fixed marriage, Shellene. Dahil dati pa alam kong magugustuhan na siya ni Ryko Ironne."
Parang gusto kong mainis kay Lolo dahil sa sinabi niya ang buo kong pangalan. It's not that I don't want my name parang panlalaki kasi kaya sa tuwing may check attendance sa room noong high school pa ako, kailangan ko pang tumayo para masigurado na babae nga ako.
Kung sino man ang lalaking sinasabi ni Lolo. Maybe he is Ryne's type.
I know Lolo, hindi niya ako ibibigay sa isang taong walang ipagmamalaki.
"Mababago pa ba ang desisyon mo, Lo? Kahit na kami na lang ang bahalang magbigay sa inyo ng apo. Kahit ilan pa gusto niyo, kahit sa iba-ibang babae pa, Lo. Name it." Tanong ni Kuya August.
Umiling lang si Lolo at tumingin sa akin.
Puro katarantaduhan na naman ang pinagsasabi ni Kuya August.
"Maybe we don't have any choice, Lo. It's Ryne's choice also. Sabihin mo lang sa akin kapag sinilipan ka ng magiging asawa mo, bibigwasan ko 'yon." Sabi ni Kuya Niko.
Binatukan naman siya ni Ate Shellene.
"Nag-iisip ka ba, ah? Kung walang may mangyayari sa kanila paano magkaka-apo si Lolo? Masasayang lahat ng sakripisyo ni Ryne. Baby girl, kwento mo ang mangyayari sa inyo, ah?" Sabi ni Ate Shellene kaya kinurot naman siya ni Kuya Miko sa tagiliran.
"'Wag mong turuan ng mahahalay ang kapatid ko, She." Sabi ni Kuya.
Humaba lang ang nguso ni Ate at nang tumingin siya sa akin ay kumindat lang. Ibinalik ko naman ang tingin ko kay Lolo at nakangiti lang siya.
"Gusto ko kapag kinasal ang isa sa inyo dapat ay nandoon kayong lahat." Sabi ni Lolo na nagpatango sa aming lahat.
"Sino ang magiging asawa ni Ryne?" Tanong ni Kuya Niko.
"I need to check his background first baka kasi nasangkot siya sa mga krimen o drug dealer pala noon? May kasong robbery o rape?" Sabi ni Kuya Lio.
"Hindi kaya member ng gang o fraternity 'yan, Lo? Tapos malalaman na lang natin na binubugbog na pala nito si Ryne." Sabat naman ni Ate Shellene.
"Baka naman matcho dancer sa club tapos may aids? Gustong i-share ang sakit kaya gagamitin si Ryne?" Sabi naman ni Kuya August.
"Hindi kaya isang minor de edad, Lo. Kailangan ng pambayad sa tuition fee kaya mag-aasawa na lang ng mayaman?" Sabi ni Angelo kaya binatukan siya ni Kuya Max.
"Hindi na realistic ang pinagsasabi mo, Angelo!" Humaba lang ang nguso ni Angelo sa sinabi ni Kuya Max.
Masyado silang exaggerated sa mga pinagsasabi nila.
"He's a model of Calvin Klein before. He is the most hottest bachelor at laging laman ng mga magazine ang komapanya niya. He owned the rival of our company. The Sarmiento Industry."
---
-JustForeenJeo
BINABASA MO ANG
I'm Just A Wife In Papers
General FictionPerez Series #1 Highest rank achieved #5 in General Fiction. Currently #29 There's a one person who comes first than the other one. The one who come first is the one who left first and the other one is the one who stayed. She's the first love but th...