Chapter 3

68.2K 1.1K 5
                                    

Chapter 3

Napanganga ang apat kong Kuya na nasa tabi ko lalo na si Kuya Niko. Si Kuya Miko naman ay parang wala lang sa kanya dahil siguro kilala niya na ang tinutukoy ni Lolo.

But Sarmiento? I think it's familiar. Relatives? No! Bawal nga ang incest sa pamilya. Family friends? I guess it is.

"Don't tell me, Lolo! It's Aero Sarmiento?" Sabi ni Ate Shellene na nagpalaki ng ngiti ni Lolo.

"Exactly!"

Kinabahan ako ng marinig ko ang pangalan niya. Bakit siya pa? Bakit si Aero Sarmiento pa? Pwede naman si James Reid, Daniel Padilla or JC Santos. Bakit si Aero Sarmiento pa?

"Do you know him?" Bulong ni Kuya August sa tabi ko.

Tinignan ko lang siya pero hindi ako sumagot.

I'm totally fucked up! Bakit sa dinami-daming lalaki dito sa mundo sa kay Aero Sarmiento pa?

"Holy, Ryne! Ang swerte mo!" Nag hy-hysterical na sabi ni Ate Shellene.

Seriously? Ano ang swerte sa Aero Sarmiento na 'yon?

"I know sa kamay ng lalaking iyon magiging mabuti si Ryne. Alam ko na madali lang para sayo ang ma-attached sa mga tao. It's just that it's so early na matatali ang princess namin. Does Mama and Papa know about this, Lo?" Sabi ni Kuya Miko.

Tumango lang si Lolo sa tanong nito. Sumasakit ang ulo ko sa nangyayari ngayon. Niyakap lang ako ni Kuya Niko patalikod at isinubsob ang mukha niya sa leeg ko.

"Wala na akong aasarin, wala na kaming princess, wala ng mag-aayos ng garden, wala na akong gigisingin. We're not complete without you, Ryne. I don't know what is the reason behind this para mapapayag ni Lolo sila Papa, knowing Papa hindi 'yon papayag." Madramang sabi ni Kuya.

Naglalambing na naman siya sa akin. Kung makadrama siya akala mo naman mamamatay na ako.

"Hindi pa ako mamamatay, Kuya. 'Wag ka na ngang mag drama masyadong exaggerated ang mga iniisip mo. Hindi ibig sabihin na ipapakasal ako ay makakalimutan ko na kayo. I will always choose family than love. Kung ano man 'yong dahilan alam kong hindi 'yon magiging masama para sa akin kasi alam ko 'di ako pababayaan nila Papa." Sagot ko sa kanya.

"By next week, pupunta siya dito para pormal na magkakilala sila ni Ryko. I want all of you to be here so clear your schedule next week." Pagkasabi niya nun ay tumayo na siya.

Inalalayan naman siya ng mga tauhan niya. Naiwan na lang kaming lahat na nandito sa garden. Umupo ako sa isang upuan at pumunta silang lahat sa harapan ko.

"Are you really sure about your decision, Ryne?" Tanong ni Kuya Lio.

Kailan kaya matatapos ang walang katapusang tanong at reklamo nila?

"I don't have any choice, Kuya. Kapag hindi ako pumayag sa sinabi ni Lolo. He might be sick again at alam niyo na ayokong mangyari ulit 'yon." Napa- face palm na lang siya sa sagot ko.

"Noong sinabi niya na ikaw ang gusto niyang ipagkasundo sa Aero na 'yon parang mas gugustuhin ko na lang na ako. Masyado ka pang bata, mas gugustuhin ko pa na mauna si Angelo."

Lahat kami tumingin kay Angelo at sumalubong na naman ang kilay niya.

"Stop teasing me, Kuya." Sabi niya na nagpatawa sa akin.

Kahit kailan talaga ang galing nilang mang-asar. Normal na yata sa amin iyong ganito. You can't call us Perez kapag walang naaasar.

"I'm serious what I said earlier na ipapabackground check ko ang ipakakasundo sayo, Ryne." Sabi naman ni Kuya Lio.

Ang hirap naman pala ng maraming Kuya maraming magiging over protective sayo pero kay Ate Shellene, hindi naman sila ganito. Kahit na lokohin si Ate Shellene hindi sila nakikialam pero bakit sa akin parang halos nagpaplano sila kung paano hindi matuloy ang desisyon na nagawa ko na.

"Look Kuya's, Ate and Angelo. I appreciate kung paano kayo maging protective sa akin pero nakagawa na ako ng desisyon. Hindi ko na iyon mababawi, knowing the Perez rules? I can't take it back anymore. All I can do right now is to stand on my decisions. Kahit magkamali man ako dito I know na nandiyan lang kayo lahat para sa akin." Sabi ko sa kanila.

"Aww. Our Ryne is now a lady. Marunong ng umintindi." Sabi ni Kuya Niko kaya nakatikim agad siya ng sapak kay Kuya Miko.

Tumawa lang kami sa nangyari. How I really love this guys.

"When that Aero hurt you, please Ryne. 'Wag ka masyadong maging mabait. Act like a wife and act like you own him. Malaman ko lang na sinasaktan ka niya physically. Hindi ako magdadalawang isip na pabagsakin ang kompanya nila." Sabi naman ni Kuya Miko.

Hindi pa ba matatapos 'to? Puro bilin na yata ang ginagawa nila. Hindi pa natatapos ang pag-gagarden ko.

"Let's stop with this topic at tulungan niyo na lang ako sa pag g-garden ko." Ani ko.

Gumalaw naman silang lahat at kanya-kanya na sila sa mga ginagawa nila. Palihim akong napangiti sa nakikita ko.

Masaktan man ako ng dahil sa kanya. Alam kong parte 'yon ng pagmamahal.

Mararamdaman niyo din ito. Mararamdaman niyo rin kung paano mainlove sa isang taong hindi dapat.

Sa isang taong hanggang kaibigan lang dapat. Sa isang tao na dapat hindi ko minahal at pinaraya na lang.

We met and we loved.

---

-JustForeenJeo

I'm Just A Wife In PapersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon