Chapter 6- Leveling Battles

6.6K 202 16
                                    

===================
Enjoy reading ❤️
Chapter 6 - Leveling Battles

====================

Mara's Point of View

Kasalukuyan kaming nag lalakbay- este nag lalakad sa napakahabang pasilyo ng eskwelahang ito dahil patungo kami sa Arena.

Kasama ko ngayon si Shine na mukhang kinakabahan. Kanina pa s'ya hindi mapakali sa dorm room namin at hindi ko alam ang dahilan.

"Oy, " Tawag ko sa atensyon nito.

"Hmm? Y-yes?" Namumutla na ito. Mukha na itong baliw dahil patingin-tingin ito sa paligid na animoy may biglang manununggab sa kanya kung makatingin. Dagdagan pa na nanginginig ito at mag ka hawak ang kamay.

Muntimang -_-

Tinaasan ko lang ito ng kilay. Mukha namang nakuha nya ang gusto kong ipahiwatig.

Nagpilit ito ng ngiti.

"W-wala, Hehe... Don't mind me, Sy. D-dalian nalang nating mag l-lakad. " Tumingin nanaman ito sa likod.

Ano ba problema nito?

Hindi 'ko nalang uli ito pinansin at nag patuloy sa pag lakad.

Ilang saglit pa bago ako makaramdam ng panganib.

Agad kong kinuha ang punyal na nakatago sa boots ko at sinangga ang patalim na patungo sa direksyon ko dahilan upang tumilapon iyon.

"Playing dirty huh?" I smirked. Pathetic.

"Tiyamba lang 'yan." Rinig kong bulong nito. Dahan-dahan itong lumakad papalapit sa amin kahit hindi ko pa tignan dahil rinig na rinig naman ang alingaw-ngaw ng high heels ng babaeng ito sa bawat yapak na kanyang ginagawa.

"Hi girls!" sarkisto itong ngumiti at kumaway.

"B*tch!" May diing sabi ni Shine sa tabi ko. Nakita kong naiyukom na ang kamao na halatang gigil na gigil

"Haha! Sino, Ikaw? " tumawa s'ya kasama ng dalawa n'yang alagad.

"Anyway, Alam mo bang bawal mag tago ng kahit na anong armas pag lalaban ka?" Pinag taasan ako nito ng kilay.

"Hindi pa naman ako lumalaban." Kalmado kong sagot dito.

"K-kahit na! May kapangyarihan ka naman diba?! Weak ka talaga 'no? " sabi ng isa nitong kasama na kulay blonde ang buhok na hanggang balikat.

"Oo nga! Isusumbong ka namin sa dean!" mataray na sabi naman nung isang may brown na buhok.

Hindi na lang ako nag salita at binalik ang punyal sa pagkakatago sa aking boots. This is for emergency purposes. Tulad na lang ng nangyari ngayon.

"Bakit? diba bawal din ang ginagawa nyo? Ang pag atake ng palihim at higit sa lahat, nangwala sa arena at hindi pa naglalaban?! Sige subukan n'yong magsumbong, tignan natin kung sinong mapapahamak. " Sabat naman ni Shine. Pinanindigan n'ya talaga ang pagiging badblood n'ya kay Jesaa.

"Psh, Nonsense. I'm just trying her! Tinignan ko lang kung makakaligtas ba s'ya sa atake patalikod." Ngumisi pa ito.

"Kahit na! Off the rule ka pa rin Jesaa. Paano kung hindi nya nasangga 'yun? Edi bumaon na sa kanya yung kutsilyo?!" Gigil na sigaw nito.

The Long Lost Cold Hearted Princess Of MILYARATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon