Chapter 11- His Unexpected Visit

4.7K 189 6
                                    


====================
Enjoy Reading❤️
Chapter 11 - His Unexpected Visit

====================

Mara's Point of View

"'Princess? Gising na, Breaktime na." Nakatulog na pala ako. Kinusot ko ang aking mata at nag ligpit ng gamit. Sabay sabay kaming umalis at tumungo sa cafeteria.

"Princess, Masakit ba katawan mo?" Tanong sa'kin ni Ryan sabay subo ng burger na kinakain nya. Umiling nalamang ako sa kanya at nag patuloy sa pag kain. 

"Pag pasensyahan mo na si Ms.Hurada okay? Gano'n lang talaga 'yun. Bitter kase Walang  lovelife. " At walang humpay na ngayon sa kakatawa si Zane ng mag isa lang. Natigilan ang ilan sa amin sa pag kain at pinanood syang parang baliw na tumatawa.

"Anong konek?"Biglang tanong ni Eron.

"Wala." at tumigil sya sa pag tawa at kumain uli na parang walang nangyari.

"Ah- Princess, Okay ka lang ba talaga?" May pag aalala at pang iibang tanong ni Joel. Tumango lang ako sa kanya. Wala akong ganang may salita ngayon.

Kinakamusta nila ako dahil sa nangyari kanina sa morning class namin kay Ms. Hurada. Yung tinulugan ko?  Binigyan kasi ako nito ng parusa. Pero di ko naman masasabing parusa yon dahil di naman ako nahirapan ni katiting. Pfft.

Kung sit-ups lang  pala ang kapalit ng pagtulog sa klase, edi lagi na lang ako matutulog. Pfft.

"Sysy!" Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko. Tumakbo sya palapit sa table namin kasama si Prince Terrence at tatlong di ko maalala kung sino.

"Uh-- Sorry ha, hindi mo 'ko nakasabay umalis sa dorm kaninang umaga. Maaga kasi akong umalis dahil may meeting ang council. Sorry talaga, Sysy." Hinawakan nya ang kamay ko at pinisil iyon. "Okay lang." Balewala kong tugon at nagpatuloy sa pag kain.

Masarap pala Graham nila dito. 

"Uh—P-pwedeng makishare ng table?" Nahihiyang tanong ni Shine.

"Bakit dito pa? " Bulong ni Wave ngunit rinig naming lahat kaya napatingin kami sa kaniya. Siniko naman siya ni Cloud pero pinag taasan niya lang kami ng kilay at inosenteng tinignan.

"Ayusin mo ang iyong pananalita." May babalang litanya ni Terrence.

"What? Bakit nga naman dito? Trese na kami dito naka tatlong table na kami. Tapos dadagdag pa kayo? Diba may royal table kayo dun sa gitna?" Sarkistong sagot ni Wave. Sinaway naman siya ni Ryan at pinanlakihan ng mata.

"Ang yabang mo 'tol ah, baka nakakalimutan mo kung sino kami?"
Sagot ng isa sa kasama ni Shine. Naaalala ko siya. Siya yung lalaking bigla nalang nag appear sa puno at medyo malandi, tama ba?

"Ahh!!~" Biglang nag sigawan ang mga tao dito dahil sa malakas na pag yanig ng paligid namin. Napatayo naman kami at napatingin sa bandang bintana at mula dito ay natatanaw namin ang nagraramihang mga Dark magicians. Tumakbo kami agad palabas upang puntahan ang bandang iyon.

Nang makarating kami ay laking pagka gulat namin dahil halos Nasira na ang pader sa bandang Silver Gate. At may iilang naka pasok na, na agad namang sinusugod ng ilang mga estudyante kasama na ang council at staffs. Kaya siguro Pader ang sinira nila ay dahil sobrang hirap talagang sirain ng Silver Gate. Ang Silver Gate ay napakatibay at napaka tanda na dahil simula nang itayo ang MCA ay Gawa na din ito at matagal na panahon na iyon dahil mismong ang mga magulang ko pa daw ang gumawa nito sabi ni Mamita sa'kin. 

Isang malakas na pagsabog ang naganap muli dahilan upang mapuno ng alikabok at usok ang paligid. Napaubo ako at mariin na napapikit bago ilang segundong idinilat ang mga mata dahil sa nakakakilabot na tawa ang narinig ko. Isang lalaking naka Cloak na kulay itim at puno ng tattong ahas ang buong katawan ang nakita ko pagkawala ng usok. Tumingin sya sa paligid at na pa ngisi.

"Magi-ca Acacemy. Wow. It's good to be back you know. Hindi nyo man lang ba kami bibigyan ng welcome party?" Malalim ang boses nya at nang bumaling ang tingin nya sa gawi  namin ay lalong lumaki ang ngisi sa mukha nya. "Tignan mo nga naman, ang mga dakilang prinsepe! Kamusta? Long time no see," nanguuyam nitong saad.

"Grugore." Sabay nilang sambit sa pangngalan ng lalaki sa harapan namin. 

"Buti naalala nyo pa ako!" Sabi nung Grugore. "May isinama nga pala ako, Ang pinakamamahal kong anak, Luke." At may lalaking naka itim na Cloak din ang nag lakad at pumatabi sa kanya. 

Sya nga.

"Pinakamamahal my butt." Rinig kong bulong ng lalaki sa tabi ko kaya napatingin ako sa kanya. Nang mapansin na nakatingin ako ay binalingan nya ako ng tingin at nginitian. Hindi ko na lang siya pinansin dahil naalala ko ang mga katagang pinagsasasabi niya sa puno nong gabing iyon.

"Ano bang kailangan mo?" Tanong nung lalaking nagsinungaling sa presidente tungkol sa notebook. Naalala ko din siya.

"Pumarito lang ako upang balaan kayo na malapit na ang naka takdang digmaan. Galingan nyo sana dahil ayokong maging mabilis ang laban na magaganap lalo na't makikipagdigma ang aking anak. Wag niyo siyang bitinin." Sabi nya at malademonyong humalakhak.

"Yun lang ba? Baka naman kayo dapat ang maghanda at galingan dahil baka maunahan pa namin kayong tapusin ang laban." Pabalang na sabi ng isa pang kasama ni Shine kanina at nag smirk. Tiim syang tinignan ni Grugore at naiiling. Ilang sandali pa ay mahinang tumawa.

"Hindi ka pa ba kinuwentohan ng mga magulang mo tungkol sa huling digmaang naganap? Kung hindi mo alam, ay muntik na naming makuha ang Crystal Ramaa kung hindi lang winala ng reyna ng Milyara ang anak nya." May diin at halata ang galit nya sa pag sabi.

"Anong winala? Patay na ang Prinsesa." Sagot muli ng lalaking nag sinungaling tungkol sa notebook.

"Hindi ako naniniwalang patay na ang Prinsesa. Edi sana nabura na sa Propesiya ang pangalan ng Crystal Ramaa. Hindi niyo ako malilinlang mga hangal!" Kasabay ng pagsigaw niya ay ang pag iingay ng kulog at kidlat sa langit  Natigilan ako dahil doon.

May alam siyang buhay pa ako.

"Nasa inyo ang isa pang kopya ng libro ng propesiya?" Alanganing tanong ni Shine.  Muling tumawa si Grugore at nang mamaliit na tumingin sa amin.

"Oo naman. Unfair naman siguro kung nasa inyo ang dalawang kopya, di'ba?" Nanguuyam nitong sagot.

"Anyway, naparito lang kami upang iparating na nalalapit na ang destined war. This is just a warning, and I don't joke around. Paalam, sa ngayon."

And just like that, they all vanished in front of us.

==================

Kindly leave a Vote and Comments.
I would love to read your reactions ^^

◼️◼️◼️

As promised again!🙃❤️

◼️◼️◼️

✍️This part was already edited✍️

★BLACKtoSILVER_Queen★

The Long Lost Cold Hearted Princess Of MILYARATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon