Chapter 20- Strange

2.8K 82 21
                                    

👑: I'm back :))

=====================
Enjoy reading ❤️

Chapter 20 - Strange

=====================

Mara's Point of View

"Teka nga ano bang ginagawa ko dito? " Sinundan ko sya papasok sa isang kwarto. Kanina ko pa sya tinatanong kung anong ginagawa ko dito at bakit may ganitong lugar ngunit hindi nya ako sinasagot. Kahit naman alam kong kilala itong lugar dahil sa mga ninuno ko, wala parin naman akong eksaktong detalye tungkol dito.

"Ito ang magiging kwarto mo habang nadidito ka, Prinsesa." Nakangiting saad nito. Inilibot ko naman ang paningin ko sa loob ng silid. Maayos ang lahat at kumpleto ang gamit. Ang pinagkaiba nga lang ay walang kuryente dito kaya wala ding TV at iba pang appliances.

Ngunit agad nanamang pumasok sa isip ko ang mga katanungan.

"Sagutin mo nga ako, bakit ba ako nandito saka bakit mo ako binibigyan ng kwarto? Don't tell me mag s-stay ako dito ng matagal? " Hindi pa rin kase maalis sa isipan ko ang sinabi nya kanina. What does she mean "Matagal kana naming hinihintay?" Like what? Alam na nilang dadating ako dito? Bakit wala akong alam tungkol dito?

"Wala ka pa talagang alam? Magpahinga kana muna saka ko na sasabihin sa'yo ang lahat pag gising mo bukas." Mahinahon niyang sabi. Lalabas na sana s'ya sa silid ngunit nag salita ako.

"Pahinga..?" Bulong ko. Nalatingin ako sa bintana at nagtataka siyang nilingon. Sa pag kakaalala ko ay umaga pa lamang noong dumating kami dito ni Drina, How come dapit-hapon na?

"Mabilis ang oras dito, Prinsesa. Dahilan na din kaya kailangan nating magmadaling kumilos. Mag pahinga kana dahil bukas mo na mararanasan ang mga dapat mong matutunan at malalaman ang mga gusto mong makuhang kasagutan at mga pinagdaanan na din noon ng henersyon ng mga Lightswift. Magandang gabi."
Tuluyan na siyang umalis habang naiwan ako doon magisa.

Pabaksak na lamang akong humiga sa kama. Ano bang nangyayari? Hindi naman sa wala talaga akong alam ngunit hindi ko lang maintindihan ang nararamdaman ko. Kakaiba ang pakiramdam ko nung mga oras na umapak ako sa lugar na ito. Parang may bigla na lamang enerhiyang pilit na pumapasok sa katawan ko kaya ang bigat ng pakiramdam ko. Ano iyon?

Nagsimulang mapuno ng mga katanungan ang isip ko. Alam niya ang tunay kong apilyedo, sino siya? At paanong hindi ko makapa o maramdaman man lang nikatiting niyang enerhiya? Mahina ba siyang nilalang? Ano ba siya?

Ngayon ko pa lang din naramdaman ang pagod kaya kusang pumikit ang mga mata ko. ngunit bago ako tuluyang yakapin ng kadiliman, isang boses ang tumawag sa'kin.

"Mahal na mahal ka namin, Anak.."

Dahilan upang makatulog akong may mga dumadaloy na luha sa'king mga mata.

Lance's Point of View

"Hoy Jake! Ang bagal mo talaga kahit kailan no?! Dalian mo nga!" Nakakairita kase kanina pa ako nag aantay sa kanya dito sa labas ng Male's comfort room. P*nyeta, may ginagawa pa atang kababalaghan sa loob e ihing ihi na'ko dito!

"Teka lang kasi pwede? Ha?! Nag babawas 'yung tao nag mamadali?! " Sigaw nya pabalik kaya napatingin samin 'yung ibang tao dito sa loob. Wtf?! Tumatae pala ang gago hindi man lang nag sasabi edi sana nag hanap na ako ng maiihian ko kanina pa! Pasabog na 'yung pantog ko! Kaya pala matagal bwiset! At talagang walang hiya pa nyang pinagsigawang tumatae sya huh?!

"G*go ka, Jake!"

Pumasok ako sa isang cubicle pag ka labas nung isang lalaki. Agad akong umihi. Ah~ Ang sarap sa pakiramdam~ Hmmm...

The Long Lost Cold Hearted Princess Of MILYARATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon