Chapter 7- Shine's Fight

5.5K 184 4
                                    

Before anything else, I would like to get the attention of;

Jacquelynsabanal
EllehcimDier
HazellCaras
Jeshaneygeronimo
Jovelylumeran
Fredelyn123
KnighInPurple
Blackroseangel24
User18150660
Kohanoaigasaki

I just wanna say Thank you for adding my Story to your reading lists. I truly appreciate it❤️

==================
Enjoy reading❤️
Chapter 7 - Shine's Fight

===================

Mara's Point of View

"Let's congratulate our winner, Ms. Jesaa Shivoine!" anunsyo ng emcee at itinaas ang kanang kamay ni Jesaa kasabay ng hiyawan ng mga estudyante.

Nakatitig lang ako sa taong hindi ko inaasahang magliligtas sa'kin sa sitwasyong ito. Kung hindi s'ya dumating ay siguradong napuruhan na ako ngayon.

" Ayos ka lang ba, Sassy?" puno ng pagaalala n'yang tanong. Wala sa sarili akong napatango.

Napakunot din ang noo ko dahil pamilyar ang mukha n'ya sa'kin pero hindi ko alam ang pangngalan n'ya.

"Bakit naman kasi hindi mo tinibayan ang Proter na ginawa mo? Kung hindi siguro ako mas naging mabilis sugatan ka na ngayon." tinilungan n'ya akong makatayo ng maayos.

"Why?" tanong ko at nahihiya naman itong ngumiti.

"Inutusan ako ni La-lai. Kinurot-kurot ako sa tagiliran sabi n'ya tulungan daw kita kase parang wala ka daw balak iwasan 'yung tira ni Jesaa." Aniya, "Bakit nga naman parang wala kang balak iwasan 'yon? Delikado kaya 'yon! Saka tignan mo ang nangyari, wala ka na sa A-1."

"Hindi naman lahat ng estudyante gustong mapunta sa seksyong iyon. " pinagpagan ko ang aking mga tuhod dahil sa mga alikabok.

"Kahit na. Nandoon lahat ng malalakas. Pag may activity, Panigurado panalo!" Masigla n'yang saad.

"Still, everybody doesn't have the same likes. " malamig kong litanya. Nawala ang ngiti nito at nangunot ang noo.

"At isa ka na do'n? Bakit ayaw mo sa A-1? Maganda naman ang quality ng pagtuturo do'n ah? Maayos at magaganda din ang mga kagamitan." Tanong nya ulit.

"Ayoko sa mga tao do'n." tipid kong saad na tila nagpatigil sa kan'ya.

"Sassy ayos ka lang ba?! May masakit ba sa'yo? Nahihilo ka ba? Kailangan ka na bang dalhin sa clinic? Ano! Magsalita ka!" niyugyog ni Shine ang balikat ko. Mababakas sa mukha n'ya ang pagaalala pero nanatili ang walang ekspresyon kong mukha.

"Ayos lang ako." malamig kong sagot pero hindi pa rin huminahon ang ekspresyon ng mukha n'ya.

"May we call on our next student, Princess Shine Maryline Gomez?"
Tawag ng emcee. Mabilis na kumilos ang lalaking nag ligtas sa'kin at inalalayan ako mula kau Shine.

"Lai, ako nang bahala dito kay Sassy. Galingan mo sa laban mo ha? Magchicheer ako!" malawak ang ngiting ibinigay ng lalaki kay Shine. Palagay ko ay talagang malapit sila sa isa't isa.

The Long Lost Cold Hearted Princess Of MILYARATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon