Tan(d)Ga

5 0 0
                                    

Andun tayo sa sitwasyon na siguro, depende, pero hindi pwede.
Tayo yung alam mong may patutunguhan pero dapat ng tigilan.
Hindi pwede kasi alam natin pareho tayong masasaktan.
Bakit nga ba masasaktan?
Kasi mahal mo pa ang nakaraan at mahal kita kahit mahal mo pa siya.

Ang tanga tanga diba?
Alam na lahat na tanga ako pero gago yung gusto ko
Gago kasi hinayaan mo mahulog ako pero mas tanga ako kasi nahulog ako kahit alam kong walang sasalo
Ganon naman lagi yung storya diba?
Eto si tatanga tanga hindi na nadala, ilang sakit pa ba para matuto ka?
Etong si gago ang hilig magloko, kelan ka ba makukuntento? Kapag wala ng nagmamahal sayo?

Kelan nga ba magkakatuluyan si tanga at si gago?
Magkakaroon ba ng happy ending ito?
Pero sa tingin ko pareho nila kailangan magbago
Hindi para sa isat isa kundi para sa sarili nila

Para kung darating man ang tao na para sakanila
Sana'y mahalin nila ng todo at bigyan ng sapat na oras ito
Hindi man sila ang magkatuluyan sa huli
May darating naman na iba upang mahalin ulit sila at ipaparamdam sa kanila na talagang mahalaga sila

Feelings. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon