Gabi gabi umiiyak,
Iinisip ko yung mga araw na kasama ka.
Paulit ulit inaalala kung ako'y nagkulang ba,
Bat kasi naghanap ka pa ng iba.Pilit iniisip ano ba ang dapat gawin
mabalik lang ang dati,
nung panahon na ikaw pa ay akin,
at ako ang yung kapiling.Hindi ko alam kung dahil ba mas maganda siya,
O baka naman hindi naman pala talaga ako sa umpisa palang,
baka ginamit mo lang ako,
hanggang mapansin ka niya.Hanggang makita niya yung halaga mo.
Pero paano naman ako?
Paano naman yung taong umayos sayo habang sinisira ka niyang hinihintay mo,
Paano na ako kung gusto ka na ng gusto mo?Paano na yung mga oras na naging masaya naman tayo,
Sinabi mo mahalaga ako,
Sinabi mo naman na iingatan mo ko,
Sinabi mo na pasasayahin mo ko.Pero, pero, pero, pero anong laban ko,
Hindi mo naman kasi sinabi na mahal mo ko.
BINABASA MO ANG
Feelings.
PoetryThis is my first time to post something! Please please support me on this one :) Thank you!! &&& Dont hesitate to vote and comment :)