1:44 am

3 0 0
                                    

Tangina, hindi ako makatulog.
Natatakot ako na makita ko mukha mo sa panaginip ko.
Natatakot ako, kasi alam ko babalik nanaman yung nararamdaman ko para sayo.
Natatakot ako, kasi alam ko kung gaano nanaman ako magiging tanga para sayo.

Tangina lang talaga.
Magmumura nalang, sa taong mahal ko pa.
Teka, mali. May mali.
Sa taong minahal at mamahalin ko pa.

Tangina lang kasi ng tadhana
Papana nalang, sa maling tao pa.
Sa taong hanggang pagpapaasa lang ang maibibigay.
Sa taong hindi kaya panindigan kung ano nga ba talaga ang nadarama.

Ewan ko, nakakapagod na magintay sayo.
Napapagod na ako sa hiram na oras mo.
Napapagod na ako sa siguro sa susunod ako naman ang bibigyan ng halaga mo.

Sabagay, pagdating sayo wala naman talaga laging kasiguraduhan.
Lagi nalang nangangapa.
Kaya nga diba puro sa panaginip ka nalang nadarama?

Tangina naman kasi,
Hanggang panaginip nalang ba talaga kita?

Feelings. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon