Kaibigan

0 0 0
                                    

Araw araw nakikita kitang nakatingin,
Hindi ko alam ano ang mga salitang dapat sabihin
Tama pa ba na ikaw ay kaibaginin,
Kung sa huli ika'y nasasaktan ko pa din.

Mga saloobin na iniipon
Mga labi kong lagi nakatikom
Ngunit kapag pangalan mo ang binabangit,
Hindi ko maiwasan na masaktan pa rin.

Gabi-gabi ika'y iniisip,
Hindi man inibig pero ika'y mahalaga pa rin
Ayaw ko man isuko ang pagkakaibigan natin,
Pero sa tingin ko ito'y kailangan na din.

Papalipasin muna natin ang mga sakit na naidulot natin sa isa't isa,
Kung babalik ka man,
Sana ako'y nandito pa
Dahil sa totoo lang ayokong nasasaktan kita.

Feelings. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon