👻👻
"Opo La." Tugon ko at ngumiti ako sakanya sabay yakap.
"Bye apo" paalam saakin ni Lola.
Ako naman nag wave lang bilang tugon at tuluyan na akong pumasok ng classroom ko. Lahat naman sila nakatingin saakin, pero nginitian ko lang siya.
"Ohw. Hi baby, are u a transferee?" Nakangiting tanong saakin ng babaeng teacher. Tumango naman ako bilang tugon.
"Magpakilala kana sakanila" utos niya saakin at pinapunta ako sa gitna.
"Hello Classmates. I'm Cein Shane Gallermo, 13 years old. Your new classmate" pakilala ko.
"Hello" bati nilang lahat saakin habang nakangiti sila.
"You sit There" utos ng guro saakin sabay turo sa isang bakanteng upuan na may katabing isang lalaki na tulog.
Agad naman akong tumungo doon at umupo na. Nagsimula na ring magturo ang teacher namin. Nakaramdam naman ako ng paggalaw sa upuan ko kaya napalingon ako. Bumungad saakin ang isang lalaki na mukhang kagigising lang dahil yung buhok niya natatakpan ang mukha niyang nakatingin saakin.
Natulala naman ako sa kanya kasi naman nakakagulat siya tapos isa pa nakatingin lang siya saakin.
"Transferee?" Gulat na tanong niya saakin.
"Uhmm. Oo" sagot ko sakanya.
Bigla naman siyang umayos ng upo at inayos na rin ang kanyang buhok na humaharang sa kanyang mukha.
"Hi, I'm Lee" nakangiting pakilala niya sabay lahad saakin ng kamay.
"I'm Cein" pakilala ko rin at tinanggap ang kamay niya.
Lunch Time
Lahat sila nakalabas na, maliban saakin na magisa lang sa classroom. Wala naman kasi akong kasabay kumain dahil bago lang ako dito. Inilabas ko na lang ang baon ko at sinimulan ko ng kumain kahit mag isa lang.
Sana pala hindi ko muna pinauwi si Lola eh para may kasama akong kumain dito.
Patapos na akong kumain ng biglang nahulog ang isang box ng chalk mula sa teacher table. Kaya nagkalat ang mga chalk at kailangan ko pa itong pulutin isa isa dahil naghihiwalay-hiwalay sila.
Paano naman kaya to nahulog.
Habang nagpupulot ako may parang tumatakbo sa labas ng classroom namin at nag ingay yun ng ilang oras, kaya naman binilisan ko na ang pagpulot pagkatapos non lumabas agad ako para tignan yung tumatakbo pero wala naman kahit isang estudyante dito sa corridor.
BINABASA MO ANG
Show Me Your Soul (COMPLETED)
Teen FictionShow me the most damaged parts of your soul, and I will show you how it still shines like gold. May mga bagay talaga na dumadating sa buhay natin ng hindi ito alam kung anong dahilan. Dadating yung taong magpapabago sa ating buhay. Tinuruan ka niyan...