👻👻
"Shane." Tawag ko mula sa labas ng gate.
Ilang minutos na ako dito pero hindi pa din ako pinagbubuksan ng pinto ni Shane. Nakapatay lahat ng ilaw sa ibaba at sa kwarto lang niya ang may ilaw kaya alam kong andoon siya.
"Akyatin mo na kaya" utos saakin ni Sean. My cousin.
Tinignan ko muna ang harap bago gawin ang sinabi ng pinsan ko. Hanggang sa makarating ako ng pintuan nila. Sinubukan kong ipihit ito at nabuksan ko naman. Binuksan ko pa ang ilaw dito sa sala at hinanap siya sa kusina pero wala siya. Siguro andoon siya sa kwarto niya kaya dahan dahan akong umakyat ng hagdan papunta doon.
Bukas ang pintuan ng kaonti lang kaya dahan dahan ko din itong lumabas. And then, bumungad saakin ang kwarto niyang nagkanda gulo gulong mga gamit. Nakita ko naman siya sa isang sulok na nakayuko at parang humihikbi pa.
"Shane." Tawag ko sa kanya.
Unti unti naman niyang iniangat ang ulo niya at lumantad saakin ang namumula niyang mata at ilong. Tumayo siya at lumapit saakin sabay yakap ng mahigpit. Umiyak lang siya ng umiyak sa may dib dib ko. At hinahayaan ko yun para mailabas niya ang sama ng loob.
Ganito din naman ako noong nalaman kong namatay na si Lola. Kahapon lang namin natanggap ang sulat na galing kay Mrs. Jeanyy. Pagkatapos kong malaman yun, lumabas ako ng bahay at walang sino man ang pinansin ko.
Feeling ko galit ako sa lahat ng andoon sa bahay. Dahil pinabayaan nila si Lolang bumalik doon sa masungit niyang amo.
"Totoo bang....totoo bang wala na si Lo-lola?" Humihikbing tanong saakin ni Shane at bumitaw sa yakap sabay harap saakin.
Tumango ako at tinap siya sa ulo. Yumuko ulit siya at umiyak nanaman.
"Bakit hindi niyo inalagaan? Magkakasama kayo doon ih. Bakit hindi niyo siya inalagaan ng maayos." tila naiinis niyang sabi na ikinataka ko.
"Wala si Lola sa bahay. Bumalik siya sa amo niya." Sabi ko sa kanya.
Napaangat siya ng ulo at isang hindi mapaliwanag na expression ang mababakas mo sakanyang mukha. Tila gulat at takot ang meron sakanya ngayon.
"Si...si Lola. Wa-wala sainyoo?" Tanong niya kaya dobleng pagtataka nanaman ang naramdaman ko.
"Oo. Hindi ba niya sinabi sayo?" Tanong ko sakanya.
"O...oo" sagot naman niya.
"Si Lola ay nasa Amo niya dahil nagtatrabaho. Ang alam ko alam mo dahil hindi ka naman ibinilin saamin ni Lola. Kung alam lang namin na hindi mo pala alam edi sana sinamahan ka namin dito sa bahay. At tyaka, ang amo niya ang nagsabi saamin na patay na si Lola gamit ang isang sulat. Kahapon pa yun at maya maya andon na ang bangkay niya. Kaya sinusundo na kita ngayon." Mahabang paliwanag ko.
"Ang alam ko nasainyo si Lola dahil yun ang sinabi niya. Oo kausap ko siya sa phone pero hindi lagi. At tyaka kapapadala lang niya ng pera ko nong nakaraang araw. At ikaw, ni isang sagot sa tawag ko wala." Sabi niya saakin na salubong ang kilay.
"Kapapayos lang ng phone ko. Actually hindi pa siya ayos. Pina rush ko lang dahil kailangan kitang kontakin." Paliwanag ko naman.
Tinignan ko ang orasan at 6:30 am na pala.
"Tara na." Sabi ko sakanya.
"Hindi pa ako naka impake." Sabi naman niya habang naka pout.
Hays.
Third Person POV
Ang akala ng lahat ay tanging pag atake ng puso ang ikinamatay ng matandang si Alysia. Ngunit sa katotohana'y nalaman ng kanyang amo na nanghihina na ang matanda kaya't ang ginawa ni Jeanyy ay pinainom niya ito ng lason upang mapabilis ang pagkamatay ng matanda.
Isa na din dito ang kadahilanang, ginawa ito ng amo niya dahil kinakabahan siya na baka sabihin ng matanda ang lahat ng nalalaman niya tungkol sa buhay ng batang babae na si Cein.
Sa ngayon, nagbabyahe ang dalawa papuntang probinsya upang puntahan ang bangkay ng kanilang Lola. Samantalang ang isa namang si Jaycee ay tulog pa sa kanyang lugar ngayon. Limang araw muna siyang tulog bago siya gumising at balikan ang kanyang kaibigan.
Ang tunay na ina naman ni Cein ay pinaghahandaan na ang pag uwi ng pilipinas upang kunin ang kanyang anak.
Cein POV
1 week had passed....
Lunes ngayon at kasalukuyan akong naglalakad papuntang school. Iniisip ko parin kung bakit ganon na lang, ganon na lang ang dahilan ng pagkamatay ni Lola. Kauuwi ko lang kahapon dahil nag stay pa ako ng ilang araw doon dahil sa isang bagay na nalaman namin.
Noong pina examine namin si Lola sa hospital. Sabi ng doktor, okey ang puso ni Lola. Walang heart attack na nangyari. Ang totoo daw nito ay isang lason, lason ang pagkamatay ni Lola.
Pagbabayaran niya to!
To be continue.....
**
NO EDIT PO MUNA! HEHEZ
Fb: Howlers WP
BINABASA MO ANG
Show Me Your Soul (COMPLETED)
Teen FictionShow me the most damaged parts of your soul, and I will show you how it still shines like gold. May mga bagay talaga na dumadating sa buhay natin ng hindi ito alam kung anong dahilan. Dadating yung taong magpapabago sa ating buhay. Tinuruan ka niyan...