👻👻
I'm Cein Shane Gallermo. 15 years of age and I'm a 3rd year High school. Nag aaral ako sa Imperial High University.
Isang Nerd
Isang Forever Alone
At kilalang pangit
Puro libro lang ang hawak
In my school may mga grupo grupong nambubully saakin. Pero ang madalas na ibully at saktan ako ay ang mga grupo ng kababaihan. Kilala sila bilang Super 6.
Actually, I'm not a nerd at first. Nagsimula lang akong maging Nerd noong Second year ako. Dahil first year pa lang ako, nabubully na ko sa school na to. I thought na kapag nagbago ako ng itsura, magiging tahimik na ang buhay ko. But I was wrong dahil mas lalo pa pala akong mapapansin ng mga tao dahil sa itsurang ipinalit ko.
At ang mga taong magaling mambully saakin ay ang mga babaeng walang alam pagdating sa school. Mga babaeng walang ibang ginawa kundi ang lumandi at magpaganda. Mga babaeng walang ginawa kundi ang saktan at laitin ako araw-araw. Ako ang laging nabubully sa school ko. Sinasaktan, nilalait at madami pang ibang bagay na ginagawa nila saakin. Minsan mag e sched. Pa sila ng araw para lang mabully ako.
Kasalanan ba ang maging Nerd? Sobrang big deal ba ng pagiging Nerd? Anong masama sa pagiging Nerd. Dahil ba sa may malaki akong salamin? Nakabangs? May braces? At matalino? Kulang na lang yong mga pimples sa mukha eh. Pero pasensya sila kasi wala akong pimples oh ano mang masama sa mukha ko. Nasa High Section nga ako. President pa, pero kahit na ganun ako walang araw na hindi nila ako binubully at sinasaktan. Kung sino pa ang mga walang alam pag dating sa school, sila pa ang mga taong may ganang manakit ng kapwa nila tao.
I don't have any friends in my school. Walang nakakausap at laging loner. Pero kahit na, tatlo na taon na akong nag titiis sa school na to. At isang taon na lang aalis na ako dito wala na silang makikitang 'nerd na forever alone'
Halos lahat yata ng mga estudyante sa school na to ay ayaw saakin. Tanging mga teacher lang yata ang mga nakakusap at nakakasama ko. Dahil paborito nila ako.
"Apo. Yung sinaing nasusunog na yata!" Lola Alysia shouted. Nasa sala kasi siya.
Ay oo nga pala. Patay
Nagmadali akong pumunta ng kusina at pinatay ang apoy. Pero hindi naman nasunog kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Sunog nanaman?" Tanong saakin ni Lola
"Hindi po La. Kahit tignan niyo po" I answered.
Minsan kasi nasusunog ang mga niluluto ko.
"Mabuti naman kung ganun" sabi ni Lola at umakyat siyang kwarto niya.
Ako naman bumalik sa may sala at ipinagpatuloy ang pag rereview ko. May quiz kasi kami bukas eh, hindi naman ako pwedeng bumagsak. Study Hard.
Hapon na kaya andito kami ngayon ni Lola sa garden niya. Mahal na mahal ni Lola ang Garden niya kaya araw araw namin itong inaayos at inaalagaan. Mahilig kasi si lola sa mga bulaklak syempre pati na rin ako no.
Patay na ang asawa ni Lola. Sabi niya kung hindi daw niya ako napulot sa may plaza noon malamang mag isa na siya ngayon. May mga anak at apo pa naman siya na hindi siya nakakalimutan pero tatlong beses sa isang taon lang sila kung dumalaw dito. Mababait ang mga anak at apo ni Lola saakin naipasyal na din nila ako sa lugar nila at yong iba kaedad ko lang.
Nakakatawa nga kasi puro lalaki ang mga apo ni Lola eh. Tanging ang dalawang anak niya lang ang babae sa buong pamilya ni Lola. Kaya pag dumadalaw sila dito, walang ibang ginawa si lola kundi ang suwayin ang mga apo niya.
Malayo kasi ang mga lugar ng mga anak ni Lola. Walang ni isa ang malapit sakanya. Kaya kapag dumadalaw sila dito nagiging Reunion ang tema ng pamilya nila. Sobrang saya nga nila eh, minsan naiinggit pa ako. Naiisip ko rin ang mga pinsan ko sa mga totoo kung magulang.
"Ayan tapos na" sabi ni Lola at tumayo na.
Nagbubungkal kasi kami para sa Panibago niyang itatanim na bulaklak. Halos wala nang space dito kasi puro may tanim na bulaklak. Ang pinakapaborito kong bulaklak ni lola dito ay yong Flower Daisy
"Mag gagabi na La. Tara pasok na po tayo" aya ko kay lola.
"Mabuti pa nga." Sang ayon naman ni Lola at siya na ang nauunang pumasok ng bahay.
Naghugas muna kami ni Lola bago ako pumunta ng sala para manood at magbasa. Si lola naiwan sa kusina, magluluto na yata ng makakain namin para mamaya.
Umakyat muna akong kwarto ko para ayusin yong higaan ko.
Habang nag aayos akong higaan ko bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan, kasabay non ang lakas ng hangin kaya medyo may pumapasok na tubig dito sa loob ng kwarto ko. Kaya agad akong pumunta sa may bandang bintana para isara iyon. Pero bago ko maisara may nakita ako sa di kalayuang puno na may nakatayong lalaking naka hoodie at nakatingin dito sa may Gawi ko.
Lagi ko siyang nakikita kahit saan, feeling ko ako yung sinusundan niya. Hindi ko naman alam kung ano ba talagang pakay niya saakin. That's so creepy
To be continue...
Howler's Note: Hi Guys! Sana magustuhan niyo ang Story na to kahit hindi pa masyadong maganda ang pagkakagawa :) Support support naman guys. Basahin niyo po ang ilang kwento ko, Mysterious Girl & Catch My Tears. Thank You! :3
BINABASA MO ANG
Show Me Your Soul (COMPLETED)
Teen FictionShow me the most damaged parts of your soul, and I will show you how it still shines like gold. May mga bagay talaga na dumadating sa buhay natin ng hindi ito alam kung anong dahilan. Dadating yung taong magpapabago sa ating buhay. Tinuruan ka niyan...