👻👻
"Huy! Tulala ka diyan" balik saakin ni JC sa realidad.
Ako naman nagulat at natauhan, sobrang dami kasi ng iniisip ko eh.
"Ano nga ba ulit un?" Tanong ko sakanya.
"Wala" sabi niya na tila nagtatampo.
"Asus! Kailan ka pa nagtampo ha?" Pang aasar ko sakanya.
Siya naman ngumiti. Hahha hindi niya kinaya
"Sige ngiti pa" sabi saakin ni JC
"Sa araw araw ba nating pagsasama. Talagang mahahawa ako sayo no" sabi sakanya.
Tumawa naman siya at ginulo ang buhok ko.
"Ang cute talaga ng bangs mo" sabi niya saakin.
"Yung bangs lang?" Kunwareng pagtatampo ko.
"Aysus. Tampo daw siya ganun?" Pang aasar din niya saakin.
At nagtawanan kaming dalawa. Si JC habang tumatagal kong kasama, lumalapit yung loob ko sakanya. Yung bawat ngiti niya napapangiti rin ako. Sobrang thankful talaga ako sa Diyos dahil nakilala ko ang tulad niya. Na araw araw pinaparamdam saakin na hindi ako nag iisa. Na masaya siya kasama ako. Nagkaroon ulit ako ng lakas sa paniniwala.
Dapat na ba akong magbago? Dapat ko na bang baguhin ang sarili ko? Ito na ba yung hinihintay kong pagkakataon? Simula ng dumating si JC sa buhay ko, tila nagbago ako. Kapag sinasaktan ako ng mga nambubully saakin hindi na ako umiiyak. Hindi nako nakakaramdam ng sobrang panghihina.
Hindi naman kasi ako ganito dati eh. Sabi ni Lola hyper at confidence daw ako noon. Hindi naman talaga kasi ako Nerd, ginawa ko lang to dahil sa pag aakala kong hindi na ulit guguluhin ni Betty ang buhay ko. Pero nagkamali ako, dahil mas lalo pa niyang pinakaelaman ang buhay ko. Mas lalo pa niya akong kinamuhihan.
Flashback
Nagising ako na nasa isang kwarto na ako. Wala akong ibang makita kundi ang puro puting bagay, hanggang sa may naramdaman akong ibang presensya sa gilid ko kaya agad akong lumingo doon at bumungad saakin ang isang matandang babae.
"Jusko buti gising kana anak!" Sabi niya
Tila nag aalala ang kanyang mukha at agad na lumabas mula dito sa kwarto. Ngayon ko lang napagtanto na nasa isang hospital pala ako, tatayo na sana ako ng biglang pumasok yung matanda at pumunta dito sa gawi ko. Nakatingin lang siya saakin.
"Si-sino po k-kayo?" Tanong ko sa matanda.
Pero hindi na niya iyon nasagot dahil biglang pumasok ang mga nurse at chinicheck nila ako. Pagkatapos non ay nag usap ang doktor at ang matanda. Napapansin ko rin na panay ang tingin saakin ng matanda at tila nag aalala ito.
Agad na lumabas ang doktor at kaming dalawa na lang isang matanda ang naiwan dito sa loob. Kung kanina puno ng pag aalala ang mababakas sa kanyang mukha. Ngayon naman ay ngumiti siya at pumunta dito sa gawi ko.
"Kamusta na pakiramdam mo?" Tanong ng matanda saakin.
"O-okey lang naman po ako" sagot ko pero hindi parin maalis ang kaba ko.
"Huwag kang matakot saakin. Ako ang lola mo" nakangiting sagot niya. May lola pala ako?
"Asan po ang magulang ko?" Muling tanong ko sa matanda.
Hindi naman siya agad nakasagot at nanatiling nakatingin lang saakin.
"Hindi ko alam kung asan ang mga magulang mo. Nakita lang kita sa isang tabi at nakahandusay ka doon. Ako nga pala ang Lola Alysia mo" paliwanag naman niya.
Buti naman at may nakapulot pa saakin. Pero hindi pa rin maalis sa isipan ko kung asan nga ba ang tunay kong magulang at kung bakit sa paggising ko andito na ako sa hospital at may mga benda benda sa mga kamay at paa ko.
"Ganun po ba? Hello po" ngumiti ako at yan lang ang naging sagot ko.
Nagkwento kwento pa siya, pinakilala niya lahat ng apo at nang anak niya. Sabi ni Lola doon na daw ako sa bahay niya titira mula ngayon, dahil wala naman akong ibang titirhan. Nakaramdam naman ako ng antok kaya nakatulog na ko.
2 weeks later
Lumipas ang dalawang linggo at ang Matandang si Lola Alysia na ang nakasama ko sa dalawang linggo simula noong nagising ako sa hospital.
Ako si Cein Shane Gallermo, yan daw ang totoong pangalan ko. Nakita daw niya yan sa isang papel na nasa bag ko noong napulot niya ako sa may kalsada.
13 years old pa lang ako. At andito kami ngayon sa eskwelahang papasukan ko. Inenroll na kasi ako ni Lola bilang 1st year high school dahil baka mahuli daw ako sa pagiging estudyante ko. May mga uniforms na din silang ibinigay saamin.
"Pwede ka ng magsimula Ija, go to your room now" nakangiting sabi ng Principal.
Lumabas naman kami ni Lola doon sa office at hinanap ang room ko sa corridor. Habang naglalakad kami, may mga kagaya kong bata ang tumitingin saakin at ang iba nginingitian ako. Hanggang sa may napansin akong tila nakatingin saakin sa may second floor kaya inangat ko ang ulo ko para masure kong sino yun.
Isang katulad ko na batang babae at may mahabang buhok. Ang sama ng tingin niya saakin, pero naglakad na lang kami ulit ni Lola.
"Oh, dito na ang room mo apo. Pumasok kana ha? Susunduin kita pag uwi mo. Behave ka lang ha?" Sabi ni Lola.
To be continue.....
**
NO EDIT PO MUNA! HEHE
Fb: Howlers WP
BINABASA MO ANG
Show Me Your Soul (COMPLETED)
Novela JuvenilShow me the most damaged parts of your soul, and I will show you how it still shines like gold. May mga bagay talaga na dumadating sa buhay natin ng hindi ito alam kung anong dahilan. Dadating yung taong magpapabago sa ating buhay. Tinuruan ka niyan...