Chapter 1: Ang Prinsesang Mangkukulam

508 18 15
                                    

Dedicated to simply_extreme dahil siya ang unang nagcomment. Ganda 9/10 :D Yo, girl! Sana mabasa mo 'to hanggang huli. Haha. Happy Reading, Ciao~

Chapter 1: Ang Prinsesang Mangkukulam

|Mei's POV|

"miss, pahingi naman ng number mo." may biglang lumapit na dalawang lalaki sa akin. Simula palang ng sem ganito na. Kaasar lang! Tss.

"pag hiningi mo kuya, edi mawawalan ako." lumakad ako papalayo sa kanila ngunit may humawak sa braso ko kung kaya't bumalik rin ako kung nasaan ako kanina.

"miss, number lang pinagkakait mo?" naningkit ang mga mata ko. Nagpumiglas ako sa hawak nila at dali daling kinuha ang sim card ko.

"oh ayan! Sim card talaga. Alis!" lalakad na sana ako ulit kaso ayan na naman yang hawak hawak na yan.

"eh boyfriend miss?" tanong niya ulit. Sinapak ko yung isang humahawak sa akin.

"bakit? Hihingin mo rin?! Aba, insulto na yan pre! Kegwapo-gwapo ng jowa ko kukunin mo?" singhal ko sa isa. Abuso na ‘to eh!

"aba! Akala mo naman may boyfriend talaga. Miss, nagtatanong lang kami kaya wag kang manakit!" sabi ng isa at isinandal ako sa may bakod. Nandito kami sa lobby ng Culinary Building. Ayos noh, walang pakialamanan sa University na ‘to.

"hindi daw nananakit. Sows." bulong ko sa sarili ko. "gusto mong makita yung boyfriend ko? Ayun oh!" tinuro ko yung isang lalaki. Tinignan naman nila ito.

"sigurado ka ba miss? Eh bat hindi ka puntahan rito kung ganun nga?" ngumisi ang may hawak sakin. Gusto mo palang papuntahin rito ah.

"babeeeeeees!" sigaw ko. Ang walangya hindi man lumingon. "Blaire Gozum! Papatayin kita kapag hindi ka lumingon!" napangiti ako ng lumakad na siya papunta rito.

"ano na namang gulo 'to Mei?" inirapan ko siya. At nginuso ang mga lalaking nasa harap ko.

"oh, hi fa-" inapakan ko siya. Walanjo! Magpakalalaki ka! Tumngin siya ng masama sa akin at tumikhim.

"guys, baka pwede naman nating idaan sa matinong usapan yan?" yuck! Guys? Matinong usapan? Kadiri!

"matinong usapan ba? O sige, pare. Pwede bang hiramin ang girlfriend mo kahit isang gabi lang?" ngumisi ang mga ito. Tinignan ko naman ang babes ko.

"ok." Ok? Ok?! Napa-awang ang labi ko sa sinabi niya. I held my fist at sinuntok ang dalawang lalaki sa harap ko dahilan para mapaupo sila.

My Fairytale NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon