Chapter 6: Crush

172 12 7
                                    

Chapter 6: Crush

 

|Mei's POV|

 

"Saan tayo pupunta, Fritzy?" tanong ko sa kanya. Kanina pa kami lakad ng lakad hanggang sa nakalabas na kami sa school.

 

Grabe lang! Hindi ko pa rin maalis sa isipan ko kung bakit gusto akong itali nitong si Fritzy, eh! May binabalak talaga 'tong taong 'to! Naalala ko pa, nung una, gusto niya kong gawing Bromine. Sa tingin ko dapat ko nang ipaliwanag sa kanya na hindi ako isang nabubuhay na tao. Kase, dyosa ako! Hihihi!

 

Tapos yung ano, ano, ano nga ba yun? Sumimangot ako. Bakit gusto niya 'kong itali? Siguro ibibitin niya ko patawarik para hindi ako pumalag sa experiment niya. Hukhuk. Feeling ko iniisip niya na sagabal ako sa love story nila ni babes ko kaya didispatsahin niya na ko.

 

Pero dapat naman magpaalam siya sakin bago niya gawin yun, di ba? Bakit kasi hindi nag-iisip 'tong si Fritzy! Baka mamaya gumamit siya ng lubid pangtali sa akin pero pangit ang taste niya sa pagpili. Hala! Baka pag nasa kabaong na ko nakalabas ang dila ko. Err. Nai-imagine ko palang ang pangsasabotahe niya sakin, kinikilabutan na ko.

 

"Nakikinig ka ba?" singhal niya sa akin. Kumunot ang noo ko.

 

"Hah? Ano? Ano sabi mo?" humarap ako sa kanya na ikina-buntong hininga niya.

 

"Ang sabi ko, pumasok ka na. Di ba may pasok ka pa?" Haaaaaist! Nakakainis naman 'to! Tumigil ako sa paglalakad at nagpameywang.

 

"Hoy, Fritzy!" natigil din siya ngunit hindi nag-abalang lumingon. "Sinaman sama mo ko rito tapos pababalikin mo ko?! Baka nakakalimutan mong naka heels ako at kanina pa namamaltos ang mga paa ko nang dahil sa kagagawan mo!" hinabol habol ko ang hininga ko. Buti naman at lumingon na ito.

 

"Bakit?" Anong bakit? "Sinabi ko bang sumama ka?"

 

Natigil ako sa paghinga. Ganun? So, dapat pala kailangan niya munang sabihin na 'sumama ka' para makasama ako? Eh nasabi naman niya yun ah? Sabi niya; Sinabi ko bang sumama ka? Hah! Ngumisi ako. Akala niya ah!

 

"H-hoy, Fritzy! Hintayin mo ko! Huy!" nakita ko siyang naglakad papalayo kaya naman hinabol ko siya. Though nafi-feel ko ang pagsakit ng paa ko, tumakbo pa rin ako. At dahil sa katangahan ko, hindi ko napansin yung ugat ng puno na dinaraanan namin.

 

"Tengene! Ang sakeeeet!" hinawakan ko ang paa ko dahan dahan na tinatanggal ang pahamak na sapatos ko. Juice colored! Huwag mo muna akong kunin, plith? Gusto ko pang makita kung merong abs si Fritzy. Hehe.

 

"What happened?" Tanong niya habang ang mga kamay nito ay nasa tuhod niya. Aba, mukhang tumakbo pa siya para tanungin ako kung Okay lang ako. Sheez. Pero hindi eh, tinanong niya kung anong nangyare. Kahit kailan, kakaiba 'tong nilalang na 'to. Pero gwapo! Hihihi!

 

"Wala! Yung kaengotan ko kase umiral eh. Kaasar. Psh!" I roll my eyes heavenwards at inalintana ang sakit sa paa ko. Hindi na naman niya ko kinibo. Instead, tumalikod siya sa akin at bumaba.

My Fairytale NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon