Chapter 4: Fritzy

258 16 15
                                    

Chapter 4: Fritzy

|Mei's POV|

"uy! Dahan dahan ka, masakit." hinampas ko siya sa braso. Narito kami ngayon sa pad niya. Sa 26th floor. Mababa kumpara dun sa amin ni babes ko na nasa 38th floor pa. All in all kasi nasa may 50 floors 'tong Condominium nila. Plus, yung helipad na nagsisilbing rooftop. Gara no?

"you should blame yourself for that. Ikaw ang may kasalanan kung bakit ka nahulog. Your fault, not mine." sumimangot ako.

Kasalanan ko ba kung natapilok ako sa pagkabigla sa mga nakita ko ngayong araw? Nakakainis na! Bakit nababawasan ang mga gwapong nilalang na straight? Huhu. Dapat sana binalaan muna ako para makapag save ako kahit isa. Pero, okay na rin 'to! I can turn them naman as a real man! Hihihi! Para sa abs, baby!

"teka, sino ka nga pala?" tanong ko sa taong abala sa paghilot sa mga binti ko. Nakaupo ako sa may couch sa living room niya habang siya nama'y nakaupo sa maliit na bilog na upuan. Tumigil siya sa paghilot at tumingin sa akin, emotionless.

"you came with me. But you don't know who am I?" Who am I? Alam ko kanta yun by the Casting Crowns! Hehe. Magaling yata ako sa mga kanta kanta! Kala niya maloloko niya ko hah!

"who am I. By the -" namasimangot ako nang pinutol niya ang sasabihin ko.

"I'm not asking you to sing idiot." tumingin siya sa akin ng mariin. "So, hindi mo talaga ako kilala?" tanong niya. Inirapan ko siya at sumandal.

"itatanong ko ba kung alam ko? Utak men! Utak! Tss." nagitla ako ng tumayo siya at ibinalibag ang binti ko sa couch.

"don't talk to me like we're close. Besides, you're a stranger. So better keep your fvckin' mouth zipped. Understand?" tumango tango ako. Sinundan ko siya ng tingin nang pumunta siya sa kitchen.

"and for what you saw earlier -" ako naman ang pumutol sa sasabihin niya. Syempre, para peyr! Hihihi.

"afternoon na eh. Hindi na earlier. Hehe." he shut me with a glare kaya umakto akong ni-zipper ang bibig ko.

"what you saw, what you hear. When you leave, leave it here. Get it?" I shrug.

"uwkey" tamad na sabi ko. Tinignan ko siya.

Nakatalikod siya sa akin. Kaya naman tumayo ako at pumunta sa may maliit na istante ng mga larawan sa may bandang corner ng condo niya. Okay na rin naman ang mga binti ko. Ako pa! Supergirl yata ako! Hihihi.

"uy, ano nga yung pangalan mo hah?" tanong ko sa kanya habang lumalapit sa may kitchen. Nakakaboring naman kasi yung mga picture. Mga certificate lang. Hmp! Hindi niya ko sinagot at nagpatuloy sa ginagawa niyang pagluluto. Galing noh?

"siguro panget ang pangalan mo kaya ayaw mong sabihin?" I wriggled my eyebrows kahit hindi niya nakikita. Umupo ako sa may mesa ng naka-indian seat at nangalumbaba habang ang mga siko ko ay nakapatong sa mga hita ko.

"teka, huhulaan ko! Siguro gusto mong hulain kita no? Hihihi!" but then, hindi pa rin niya ko pinansin.

"baka pangalan mo Mac? Tapos apelyido mo Donald?" napaisip ako.

"aha! Ikaw si Mac Donald at kapatid mo si Donald Duck at hipag mo si Daisy Duck! Kyaaaa! Ang cute ng family niyo!" I giggled.

"you're wrong." biglang sabi niya. Sabi na eh! Gusto niyang hulaan ko! Hihihi! Nag-isip ulit ako.

My Fairytale NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon