Chapter 3: Hope

6.6K 104 9
                                    

Chapter 3

Serenity Snow Dela Reseo

"Kuya, kailan tayo makakabalik satin?" I asked, all of a sudden. Nakahiga na kami sa kutson dito sa sahig ng apartment namin.

"Sa oras na makatapos ako Snowy, ibabalik natin ang lahat. Don't worry, okay?"

"How? Nakafreeze nga ang accounts natin. Nawawala ang abogado nila Mama at Papa. Uncle Eroll's not around. Si Tito Ryce...well, he betrayed us for money. Kaya paano?"

Natahimik si Kuya, ramdam ko ang titig niya sakin.

"What if I just marry someone rich? Not as rich as Mountbatten but someone who can take care of us."

"You're not marrying anyone, Snowy. Makakaahon rin tayo. You just have to trust me."

It's my turn to be quiet. Pumikit ako, nasa isip parin kung kakayanin ba talaga namin bumalik. I've thought of ways actually, kung paano, but with Kuya Ice's pride to ask for our relatives' help, I know it won't be possible.

7:00 am. Ganyan ako kaaga sa gate ng school at halos pabasbasan ako ng kapatid ko dahil sa aga kong gumayak ni hindi ako nakapagalmusal! Pero pagdating ko doon, naunahan parin ako ni Raven!

My god! Tao ka ba?! Halos madapa dapa ako sa pagtakbo dahil yung itsura niya habang nag-aabang sakin ay mukhang nanunumpa na! Nang makalapit ako bumaba agad ang tingin niya sa palda ko.

"Nagagandahan ka sa ganyan? Akala mo maganda?" pagsusungit niya agad,

Ano ba?! Ganito talaga ang palda! Kaya nga to palda kasi hindi pantalon! Wait. Nalito ako. BASTA! PALDA TO KAYA MAIKSI!

Di ko napigilan ang pagsimangot ko.

"Maganda kasi ang legs ko. Kaya dapat talaga i-flaunt, Mr. Ferrante."

"Sino may sabi sayong maganda? Mukha ba kong nagagandahan?" wala talaga siyang reaksyon, poker face lang talaga!

Badtrip! Badtrip ka!

Iniwas niya ang tingin sakin at nagcheck sa relo niya.

Pinagmasdan ko siya. Pasimple lang dahil baka masungitan nanaman ako. At ang masasabi ko lang ay kung hindi siya si Raven Ferrante ay baka jinowa ko na siya.

Pramis. Lahat ng tipo ng babae sa looks ng isang lalaki mamarkahan mo sa quality checklist, girl.

He is tall. Very tall. Around 6ft, I think. Maputi si Raven, but not the maputi na usual, more like pale which is a perfect contrast with his shiny jetblack hair. Medyo pangahan si Raven, his jawline will make you stare harder, at sa tangos ng ilong niya mapapaisip ka kung paano niya nakuha lahat ng perpektong parte ng katawan.

And of course his eyes and his lips. He should press charges to those people who thinks that his lips are too sensual, and his eyes are too sexy even if there's a hint of darkness and sadness in them.

He should press charges on me.

"Let's go. Nagugutom ako." aya niya kaya nun lang ako natauhan,

Sumunod lang ako sa likod niya. Tumitingin tingin sa paligid. Of course, pinagtitinginan kami. Pinagtitinginan siya.

Pagdating sa cafeteria. Bumili siya ng kape.

"Ikaw?" he asked,

"Ha?" confused kong tanong, natigil tuloy ang pagtitig ko sa biceps niya.

"Ano gusto mo?" blangko parin ang reaksyon niya sakin,

"Ah! Wala! Okay lang ako, busog pa ko." ngiti ko sa kanya,

Tumango lang siya at nagpatuloy sa pag-order.

Nasa mesa na kami ng ibalik niya sakin ang cellphone ko. Halos mamutla ako ng makita ang mga missed calls ni Xian.

"Lagot ako kay Xian!" huhu! Magagalit to sigurado!

"Tsk. Eat this." irap niya sakin at tinulak ang isang platter ng pancakes na inorder niya,

"Busog pa ko." tanggi ko, pero sinamaan niya ko ng tingin. Kaya napakain ako. Tsk.

"Boyfriend mo?" He asked, but he doesn't sound interested.

Boyfriend ko nga ba talaga?

"Parang ganun." walang gana kong sagot,

"Fling?" he asked again, raising his eyebrow at me.

Napasimangot ako but not to him. More like to our arrangement. Samin ni Xian.

"No, I don't do flings. Medyo complicated kami ni Xian."

Flings? Sa higpit ng kapatid ko paano ako magkakafling? Boyfriend nga ang hirap hirap itago eh.

"Hmm." he lost his interest quickly, kinuha nito ang iPad at inabot sakin.

"I've matched my schedule to yours." Raven said,

I watched as his lips move while he speaks. Nakakakilabot siya panoorin. Yung kilabot na parang di siya makatotohanan sa sobrang perpekto.

"Magkaklase tayo sa lahat ng subject? Ganun?" paglilinaw ko, napahawak pa ko sa labi ko just to check. Baka kasi tumulo na pala laway ko.

"To some. And I have a favor to ask from you." buntong hininga nito,

"Anong pabor?"

Napainom siya ng kape. Nakatitig na ngayon sakin na parang sinusuring mabuti ang reaksyon ko.

"I'll be ditching school from time to time. You just have to take notes for me, update me pag may tests or anything."

Iyon lang?

"Okay. Iyon lang ba?" ngiti ko,

"Yes. Iyon lang."

That's a relief. Iyon lang pala eh! Umalis din agad si Raven matapos ang unang klase. May flight ata siya sa Singapore ngayon. Mag-isa lang ako sa cafeteria nang maglunch break, tinatawagan ko si Xian pero hindi ito sumasagot sa tawag ko.

It's frustrating. So, I stopped calling him. Pinaglaruan ko na lang ang iPad ni Raven. Naginstall ako ng apps at naglibang sa social media. Nagulat na lang ako ng bigla niya ako vinideo call.

Only to ask me kung nasa school ako? Nang sabihin kong nasa school ako dahil lunch break pinatay niya agad. Napakaweird.

Sa huling klase, ineexpect kong magiging magulo iyon dahil kay Ysabella pero wala siya doon, ang mga kaibigan lang niya ang nasa klase.

"Look, Gwyn! Ang ganda nung pinuntahan nila Xian at Bella. Sayang di tayo nakasama." parinig ni Aila,

"Ano ka ba, bakit tayo sasama? Family trip yun nila Xian. Family ka ba?"

I pretended not hear anything. I left as soon as the class finished. Kaya pala hindi siya sumasagot? Dahil magkasama sila ng fiancè niya. Ano ba naman ang magagawa ko di ba?

Still. I trust his promises. Xian has never let me down before. Naniniwala parin akong hindi niya ko bibiguin ngayon.

But that little hope was crushed when I opened my account. There's a message for me. From Ysabella.

Ysabella Wu

'Save the date, Snowy'

She captioned.

There's an attached picture of their whole family. Xian's and hers like they're preparing for something.

Like a wedding.

Cards: Raven FerranteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon