Chapter 4
Serenity Snow Dela Reseo
I cried myself to sleep that night. Xian has been calling me non-stop pero hindi ako sumasagot. Pumasok akong mugto ang mata at di rin nakakatulong ang pagsusungit sakin ni Raven na akala mong ang laki ng kasalanan ko dahil lang sa hindi ako nakapasok ng maaga!
"Hindi ba ko pwedeng mag-emote sa banyo? Ha? Saka wala kang sinabi na papasok tayo ng maaga today! Wala kang sinabi kahapon!" nguso ko, kulang na lang kasi sabunutan niya ko sa inis niya sakin. Isang oras kasi siya mahigit naghintay sa gate.
"Tsk. Bakit ba kasi umaarte ka? Mugtong mugto pa yang mata mo!"
Napasibi ako. Maiiyak na ulit. Mas lalong napasimangot si Raven. Mukhang iritado talaga siya sakin ngayon. I mean. Galit talaga siya sakin dahil sa insidente nung nakaraan pero bumabawi naman ako. Alila nga niya ko dito sa school! Panay ang utos niya sakin!
"Wala! Nag-emote nga kasi ako!" tinakpan ko pa ang mata ko para di na niya makita.
"Is it your boy toy?" iritado niyang kwestyon,
BOY TOY KA DIYAN!
"May pangalan siya, Raven. Xian. Okay? Xian!"
"I don't fucking care. Siya ba ang dahilan kung bakit ka nag-iinarte?"
Grabe siya, ang sakit naman ng term na nag-iinarte?! Pero totoo naman, emote nga talaga ako today.
"Yes. Nakakabadtrip na kasi siya." nakakabadtrip na hirap na hirap siyang piliin ako. At ngayong mukhang tuloy na talaga ang kasal nila ni Ysabella, ang ending ko ngayon kabit? Kahit na ako naman talaga ang girlfriend niya?
"Break up with him..." sagot ni Raven, parang may idudugtong pa siya pero hindi niya tinuloy.
"Hindi iyon ganun kadali, Ferrante." I sighed, "We have plans already. At isa pa, mahal ko si Xian."
He didn't say anything after that. Hinayaan na lang niya kong mag-emote maghapon. Nabuhayan lang ako nang mag-P.E na kami sa last period. Well, Raven is not amused, inaway pa ko dahil sa uniform ng PE na kinuha ko, pwede ka kasing mamili kung shorts o jogging pants at dahil dakilang kontrabida si Raven tinalakan ako nang kunin ko yung shorts, ending napahubad ako at jogging pants ang kinuha ko sa locker. Di ba?! Ang kontrabida! Ang isa pa niyang kinabadtrip ay ayaw daw niyang pinagpapawisan, track n field pa naman ang sports na napili ng Professor namin.
"Gusto mong tubig?" tanong ko sa kanya after ng warm up namin. Medyo hiningal na agad si Raven, nakasimangot na siya at kanina pa sinasamaan ng tingin ang mga nagpapapansin naming kaklase.
He only nodded. Giving me his wallet, umiling ako sa kanya.
"Hindi na. Ako na." ngiti ko saka inabot sa kanya ang towel ko para makapagpunas siya ng pawis. Nagtataka niya kong tinitigan hanggang sa umalis ako, hindi ko mawari kung ano ang iniisip niya.
"Ate, dalawang bottled water." tinuro ko pa yung Evian water instead na yung normal na mineral lang ng school. Di ko kasi alam kung ano ba ang bet ni Raven, baka tubig ng mga gods ang iniinom nun eh.
Pabalik na ko ng gym nang makasalubong ko si Xian. Naka-uniform ito ng pangbasketball, halos manlaki ang mata niya nang makita ako, pero agad iyon naningkit at dali-daling iniwan ang mga kasama para lapitan ako.
"Snowy." he called,
Hindi ko siya pinansin at naglakad na lang pabalik ng field. Galit ako sa kanya ngayon. Sobrang galit talaga ako!
"Snow!" he called again, hinila niya ko sa beywang at patalikod na niyakap. Ako naman si tanga, agad na nanghina.
"Talk to me." he whispered, hinila niya ko ulit papunta sa gilid malapit sa pinto ng gym.
BINABASA MO ANG
Cards: Raven Ferrante
Fiksi RemajaSnow White has such bad taste with men. Raven thought, as he watch the different version in the theater here in Berlin . Why would she choose that stupid Prince? Masyadong clichè. Hindi manlang pinag-isipan. "Why am I watching this stupid act with...