chapter 11: ♥

188 23 4
                                    

Idedicate this to @Baby_DisLOVE siya ang nangawa nung Trailer ng 10 request to make him fall inlove :) Sa mga hindi pa nakkakapanuod nasa multimedia siya :) Here's The chapter 11 Hope you like it :)

Mary Anne's POV:

Nandito na kami sa schol pagkababa ko tumakbo kaagad ako sa malapit na Cr at naglabas ng sama ng loob 

After 1 Hour

"Success!!!" sigaw ko ng makalabas sa cubicle nagsitinginan naman saakin yung nasa loob ng cr. Ngayon ko lang napansin na sina sabrina pala yun, Napatungo nalang ako

"Well.. well...well Si Mary anne pala ito.. success ba?? kaya pala pagkapasok namin ang baho sa cr yun pala tumae ka hahaha" sabi niya sabay tawa nung mga alipores niya 

"oh.. bakit ka nakatungo Mary anne? siguro nahihiya ka noh? Omg wag ka ng mahiya mary anne.. Sanay na naman kami sa  mga katulad mong mahirap" sabi niya.

Nakakainis na sila.. Hindi dapat nila ako ginaganito porket mahirap ako at sila mayayamanaapihin na nila ako? tama ang sinabi ni Xian dapat lumaban ako.. Napansin kong umaapaw yung tubig sa lababo. Mabilis kong sinahod ang kamay ko at sabay itinapon ko kay sabrina

"Oh my God!!!!!!!" sabi niya sabay hawak niya sa mukha niya. Nagpapanic na ng mga alipores niya

"Bagay lang yan sayo!" sabi ko at binelatan sila sabay kuripas ko ng takbo at pumunta sa next subject ko.

---------

Pumasok na ako sa room. Nagulat ako dahil nandito si Xian tiningnan ko siya  ng masama habang lumalakad papunta sa upuan ko siya naman nakangiti. Ano kaya ang problema nito? makangiti WAGAS siguro naka drugs ito

"Hoy! Anung nginingiti ngiti mo diyan?" sabi ko saka umupo sa upuan ko.Bale katabi ko siya ngayun at nasa likuran naman namin ung 2 kaibigan niyang baliw din 

"Wala bang goodmorinig diyan?" sabi niya tinaasan ko lang siya ng kilay

"Bakit magsasabi ako sayo ng Goodmorning kung mukha mo ang nakakapagbwisit ng umaga ko?"

"Boom! Ano ka xian?!" sabi ni philip

"Wala ka pala kay mary anne eh! hindi mo makuha ang goodmorning niya kaya kayo akin na ang 1000" sabay kolekta niya kay Philip at Xian 

As if naman na gogoodmorningan ko si xian? Never! Itaga mo pa yan sa ulo ni Boy Abunda! Napasimangot naman si xian at sinamaan niya ako ng tingin binelatan ko naman siya at dumating na ang professor namin 

------

"Akin na yan!!!" sabi ko sabay kuha nung Yakolt kay xian.. Oo kay Xian nakakabwisit kasi itong lalaking ito ako ang unang nakakita tapos lalapit siya saka aagawin saakin? no no no 

"This is mine! Ako ang may-ari ng school na ito at akin ang canteen na ito, that means this yakolt is mine! So give it to me!" sabi niya saka inagaw niya uli yung yakolt. Nandito kami sa Cashier ng canteen nagaagawan pinagtitinginan na kami ng tao pero tuloy ang pagaagawan namin sa Yakolt.

"Pakelam ko kung inyo yung school? Kaya nga tinayo ang canteen na ito para pagbilhan ng mga estudyante kaya Akin ito!" pinagaagawan parin namin ung yakolt. Hindi ako magpapatalo kay Xian ako ang magwawagi dito nasaakin ang huling halakhak hahaha!

"Ano ba?! Sino bang bibili nan?!kanina pa ako sa inyo nahihilo!" napatigil kami sa pagaagawan at napatingin kay ateng sumigaw

"AKO!"sabay naming sabi at tumingin kami sa isa't isa at nagsamaan ng tingin habang hila hila namin ung yakolt.

"Ako na ang bibili para walang away!" sabi nung lalaki at namalayan naming wala na yung yakolt 

Napatingin kami dun sa lalaking nagsalita. What????????!!!

si Luke?! kinindatan niya ako at binayaran ung yakolt 

Wait? kinindatan niya ako?! waaaa!!!!! ang mukhang angel  talaga niya !!!!!

"Gabriel? Ikaw ba yan?!" sigaw ni Xian 

"Ako nga Lemuel namiss kita!!!!!!" yayakapin na sana ni Luke si Xian pero bigla naman niya itong binatukan 

"Aray naman pinsan bat mo ako binatukan? Hindi mo ba ako namiss?"

"Sabing wag mo akong tatawaging Lemuel eh!" tumawa naman si Luke at nagtawanan na sila

Grabe maga baliw ba itong mga to? tawa ng tawa.

"Anne! Come here!" sigaw saakin ni Noelle with matching kaway kaway pa kaya pumunta ako dun sa table nila. Napansin kong nandito rin sina Juana,Cassandra,Kianna at syempre yung bf ni Noelle na si Rainiel. Hindi ko nga pala nakwento sa inyo na magkakilala rin sila kasi magkakalapit lang sila ng condo?  Akalain nyo yun?

"Hi Mary anne!" bati nila saakin kaya binati ko rin sila at nagkwentuhan na sila. Napasimangot ako akala ko mapapapunta saakin ung yakolt huhuhuhuhu

"Oh Mary anne ba't nakasimangot ka diyan? Anong problema?" sabi ni Kianna 

"Kasi yung bwisit na Xian na yun kung hindi niya inagaw ung yakolt eh di sana may pagkain ako!" sabi ko sa kanila

"Kaya nga ako na ang bumili ng Yakolt eh para wala na kayong away. Eto oh sayo nalang " nagulat ako ng biglang sumulpot si Luke at binigay saakin yung yakolt. Lumiwanag naman ang tingin ko 

"Girl ang favorite mo pala ang yakolt kakalerki! Parehas kayo ni Xian addict din yun diyan ayieeeeeeeee!!!!!!! Meant to be!" sabi ni Juana with matching sundot sundot pa sa tagiliran ko

Ano?! magkaparehas kami ng paborito ni Xian? Saka anong sabi ni Juana? Meant to be?! Nanaas naman lahat ng balahibo ko sa katawan.

Oo lahat!

"Oo nga babe siguradong magkakalove life na ang bestfriend mo" sabi naman ni Rainiel saka akbay kay Noelle

"Wala nga akong alam sa Love Love na yan! Jusko malabo! Malabo pa sa walang antenang Tv!" sabi ko sa kanila 

"Sus Baka naman kainin mo yang sinasabi mo Mary anne" sabi ni Cassandra napatingin naman ako kay Kianna nakatungo lang siya. Ano kaya ang Problema nun?

"Ikaw Mary anne iniwan mo ako kanina hindi ko nakakalimutan na inu-" hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil tinakpan ko kaagad yung bunganga niya at binigyan ng Wag-mong-sasabihin-yari-ka-saakin-look naintindihan naman niya at pasimpleng tumango

"inu?" sabi ni Juana napatingin naman ako kay Luke at nagpipigil siya ng tawa 

"A-ah. e-h... inu.. inubuhan ! oo tama inubuhan ko siya kanina *cough*  *cough*  oo hanggang ngayun inuubo parin ako buti nalang at may baon itong si Luke ng Robitusin kaya nakainom ako. Diba Luke?!" sabay akbay ko sa kanya at tiningnan ko siya ng masama

"A-ah oo! Inubuhan niya ako kanina hehehehe" sabay kamot niya sa batok. Bigla naman nasamid si Kianna

"Kianna ayos ka lang?" sabi ni noelle 

"A-ah eh.. oo ayos lang ako wait lang ha? Punta lang ako sa Cr" sabi ni Kianna at kinuha niya ung bag niya saka nagmamadaling pumunta sa Cr 

Ano kayang problema nun? siguro najejebs hehehehe 

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Ayan na XD Chapter 11 na tayo! magsaya tayo! XD hehehehe ano kaya ang nangyari kay Kianna? tama kaya ang hula ni Mary anne na najejebs si Kianna kaya siya umalis? abangan sa next chapter. Nga pala sa Chapter 12 na magsisimula ang 10 request kaya abangan natin! :)) Sino na nga pala ang nakapanuod nung trailer ng TRTMHFI? ang ganda noh?? Si BabyAyen ang gumawa nan. Pakisuporathan din ung "The most Painful Battle" na story niya super ganda nun :) Just click the External link para mabasa nyo! :)

Vote,Comment and be my fan! :)

Wanted Sweetheart ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon